Kinalawang at rumupok na ang ilang bahagi ng San Juanico Bridge kaya kinakailangang kumpunihin. ‘Di muna ito pinapadaan sa malalaking sasakyan.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Kinalawang at rumupok na ang ilang bahagi ng San Juanico Bridge kaya kinakailangang kumpunihin.
00:07Hindi muna ito pinapadaanan sa malalaking sasakyan.
00:10Ang paghahanda ng pamahalaan sa pagsasara ng tulay, alamin sa pagtutok ni Marise O'Malley.
00:20Minsang itinuring na pinakamahabang tulay sa bansa ang San Juanico Bridge.
00:24Bilang ito isa sa pinaka-iconic na istruktura sa bansa at pangunahing ruta para sa turismo na nag-uugnay sa Samar at Leyte.
00:32Mahalaga ito sa ekonomiya at transportasyon sa Eastern Visayas.
00:36Sa datos ng Department of Public Works and Highways, humigit kumulang 7,200 na mga sasakyan ang dumaraan dito araw-araw.
00:44Pero matapos ang isinagawang inisyal na assessment nung isang linggo, natuklas ang may seryosong pinsala na ang ilang bahagi ng tulay.
00:50Ang nakita nila is actually yung mga stringers, it's a little technical ito, yung mga nagsusuport dun sa islab ng tulay, medyo humina na.
01:04Sabi nila yung mga bolts are corroded, alam mo by DC kasi ito eh.
01:08Yung mga plates na steel plates na ando dun sa baba, eh talagang kinalawang na ng husto at talagang marupok na marupok na.
01:21Tatlong segment daw sa approach areas ng tulay sa Samar at Leyte ang kinakailangang agad na makumpuni o ma-retrofit.
01:29We better close it kasi we don't want to expose to danger yung mga motorists.
01:35We'll see actually how we can expedite the process.
01:40Talagang gano'n kaysa sa we put the motorists in an unsafe structure.
01:51Kaya ang DPWH ipinagbawal muna na dumaan sa tulay ang mga sasakyan lalagpas sa tatlong tonelada ang bigat.
01:57Kabilang na riyan ang mga cargo truck na may sakay na mga produkto at mga bus na may sakay na pasahero.
02:03There will be some impact actually because of the convenience and the delays that will be brought about by the limited loads that will pass through it.
02:18Mas mabuti na yung pag-iingat kaysa sa we tolerate actually.
02:22Hindi pa masabi ni Secretary Bonoan kung gaano katagal aabuti ng pagkukumpuni sa buong tulay pero nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Ports Authority at Lokal na Pamahalaan para i-ferry ang malalaking sasakyan di makakadaan sa tulay.
02:36May maliliit na shuttle naman daw na 24-7 magahatid ng mga pasaherong sakay ng mga bus na di makakadaan muna sa tulay.
02:42Aabutin daw ng 50 milyong piso ang gasto sa pag-retrofit sa tatlong segment ng tulay na kinakitaan ng problema pero posibleng umabot daw ng kabuuan 800 milyon pesos ang halaga sa pag-rehabilitate sa buong tulay.
02:57Nito lang 2022 pinangunahan ni Pangulong Bombo Marcos ang pagpapailaw sa San Juanico Bridge.
03:03Tanong ng ilan, bakit hindi pa kaagad ni-retrofit noon ang tulay at ginastusan muna ang pagpapailaw?
03:09At that time naman, hindi pa naman namin nakikita yung mga kondisyon ng tulay.
03:17It's pure aesthetic because it's actually an iconic bridge between summer and late.
03:25Para sa GMA Integrated News, Mariz Omali na Katutok, 24 Horas.