00:00At sa punto pong ito, ating patalakay ng update patungkol sa mga programa ng kasalukuyang administrasyon dito lang sa Mr. President on the go.
00:25Una nga po dyan mga kababayan, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pinangunahan ng pagtatapos ng Philippine Military Academy o PMA Ciclablaya Class of 2025.
00:36Sa mensahe po ng Pangulong Marcos Jr. sa Fort Gregorio H. Del Pilara sa Baguio City sa harap ng 266 na miyembro ng PMA Ciclablaya Class of 2025.
00:48Sinabi ng ating Pangulo na maratiling mentally sharp sa gitna ng tumitinding banta ng cyber warfare.
00:57Nagpaalala ng Pangulo sa mga kadete na ang modern warfare ay hindi na lamang sa traditional domains.
01:03Kailangan na nila na mabatid na ang banta ay di lamang sa lupa, dagat o himpapawid bagkos ay maging sa cyberspace.
01:12Kaya hindi na sapat ang physical strength at agility dahil kailangan ng mental sharpness at compassion.
01:20Sinabi po po ng Pangulo na i-apply ng mga kadete ang mga natutuhan nila noong training at sa mga kursos academy.
01:26Lalo na sa mga areas ng artificial intelligence, drone technology, strategic thinking at ethical leadership.
01:34Pinigyang pugay po ng Pangulo ang Ciclablaya Class at sinabing ito ay isang class of many firsts.
01:39Sila ang unang mga kadete na nag-train sa Pag-asa Island.
01:42Nagsilbing kinatawa ng PMA sa international military forums and competitions.
01:47Sa Matola Class Valedictorian po nila ay si Kadet First Class Jesse Ticar Jr., pang-apat na kadet na nag-graduate ng summa cum laude.
01:56Kinilala ng Pangulo ang tiyaga, tapang at dedikasyon ng mga ito.
02:00Pero pinakamahalagaan niya ay ang pagmamahal sa bansa.
02:04Kailangan na yan ang bansa ng mga Pilipinong uunahin ang bayan at kapwa bago ang sarili nagsasakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.
02:12At yan po muna ang ating update ng umaga.
02:15Abangan ang susunod nating tatalakayin patungkol sa mga aktibidad at programa ng kasalukuyang administrasyon.