00:00Pinaigting pa ng Pilipinas at ng Kamboja ang paglaban sa human trafficking at iba pang transnational crime
00:06alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. na puksain ang mga sindikato na nagre-recruit at nananamantala.
00:15Ayon sa Malacanang, isang high-level dialogue ang ginawa ng Pilipinas at Kamboja na pinangunahan ng Interagency Council Against Trafficking at ng Department of Justice.
00:24Kasama ang Cambodian National Committee for Counter-Trafficking, Sumentro, ang pagpupulong sa pagtitiyak ng seguridad sa mga border ng dalawang bansa at pagsiguro sa kaligtasan ng mga Pilipino at Cambodian citizens.