Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/15/2025
Hindi pa man naipoproklama—
magiging bahagi na ng house prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sina incoming party-list representatives Leila De Lima at Chel Diokno.
Ang senado na tatayong impeachment court, naghahanda na rin.
May report si Tina Panganiban-Perez.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi pa man na ipoproklama, pagiging bahagi na ng House Prosecution Panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
00:07si ng incoming party list representatives Laila de Lima at Shell Diocno.
00:12Ang Senado na Tatayong Impeachment Court, naghahanda na rin. May report si Tina Pangaliban Perez.
00:21Malinaw mang mga Duterte ang ilan sa mga kasalukuyan at papasok na senador.
00:26Hindi raw masasabi ni Sen. President Chis Escudero kung baboto sila para i-acquit si Vice President Sara Duterte.
00:34Yung mga in-endorse dati, kinakalaban na nila ngayon yung mga nag-endorse sa kanila.
00:37Ayokong pangunahan ano man ang magiging resulta ng impeachment. Hayaan nating tumakbo ang proseso.
00:43At kahit magharap-harap ang magkakalabang paksyon, inaasahan ni Escudero na hindi magiging circus ang impeachment trial.
00:51Mga veterano, batikan sa legislation, sa parliamentary rules ang mga ito.
00:57We will maintain order and we will keep order within the impeachment court.
01:02Ang nagbabalik Senado na si Kiko Pangilinan, titignan daw ang ebidensyang ilalapag ng prosekusyon.
01:08So tingnan natin ano ang magiging ebidensya etc. We will just have to uphold the rule of law.
01:16Sa susunod na linggo, patadalan na ng Senado ang Kamara ng Notice na kailangan nilang ipresenta sa Senado ang impeachment charges laban sa Vice.
01:26Ang prosecution panel mula sa Kamara, nagsimula na rin paghandaan ang nalalapit na impeachment.
01:33Magiging bahagi ng prosekusyon, sinadating Sen. Laila de Lima at Atty. Chell Jokno,
01:39mga party list nominee na inaasahang papasok sa susunod na kongreso.
01:43Di pa man na ipoproklama, tinawagan na sila ni House Speaker Martin Romualdez.
01:49Ayon kay Romualdez, kasama sinadilima at Jokno sa mga pinakarespetadong abogado sa bansa.
01:55Magiging ambag daw nila ang kredibilidad, balanse at lalim sa proseso ng impeachment.
02:02Ayon kina party list nominee Laila de Lima at Chell Jokno,
02:06hindi pa na pag-uusapan kung anong articles of impeachment ang gusto nilang hawakan o itatalaga sa kanila.
02:12Pero siguradong paghahandaan daw nilang mabuti ang impeachment trial.
02:17Paglilinaw naman ni De Lima, hindi niya tinanggap ang pagiging prosecutor para gumanti sa mga Duterte.
02:24Si De Lima ay isa sa pinakamatinding kritiko noon ni Pangulong Rodrigo Duterte
02:29at sa ilalim ng Duterte administration, nakulong siya ng halos pitong taon
02:34hanggang sa ibinasura kalauna ng mga korte ang lahat ng kaso laban sa kanya.
02:39I'm not the kind of person who does things out of personal vendetta or vindictiveness.
02:47It's all about really contributing to the attainment of justice and accountability.
02:57Si Jokno naging bahagi ng impeachment trial ni Pangulong Joseph Estrada noong 2001 bilang private prosecutor.
03:05Tulad ng naging karanasan ko noong dati sa impeachment process,
03:11kailangan ayusin at tibayin ang ebidensya, ang mga testigo at ang i-represent ang mga exhibit.
03:21Si Congressman Joel Chua, naniniwalang malaki ang maitutulong ni Nadelima at Jokno sa kaso laban kay Vice President Duterte.
03:30Well, malaking bagay po silang dalawad. Considering yung kanilang credentials, experience,
03:36alam naman po natin na mga batikang abukado yan, malaking maitutulong nila sa uusad na impeachment.
03:44Tina Pangaliban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:00Tina Pangaliban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended