Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
TREASURES OF THE GAME | Nakasama natin live sa studio si sports memorabilia collector Dr. Michael Rico Mesina

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00At nagbabalik ang PTV Sports, kasaysayan, nostalgia at marami pang iba.
00:07Dito lang yan sa Treasures of the Game at kasama na naman natin ngayon ang ating resident sports memorabilia collector na si Dr. Michael Rico Messina.
00:16Doc, kamusta po kayo ngayon?
00:18Magandang umaga Ralph, magandang umaga Sheila, at magandang umaga sa mga teammates natin na nanonood dito sa Treasures of the Game.
00:25At syempre, Wednesday today, kaya naman ikaw ay kasama namin sa araw na ito.
00:30Doc, pero tell us what you have for today.
00:33So actually, dalawang items lang ang ipapakita ko sa ating mga teammates, pero very memorable itong mga items na ito.
00:41So nitong April, kung maalala mo, sir, Ralph, magkasama tayo dun sa 50 Greatest Players na gala.
00:48Saan nga ba yung ginanap?
00:49So merong event sa Quezon City, sa isang hotel dun, dun sinelebrate, kumbaga, o doon pinarangalan, no, Doc, yung mga bagong salta sa 50 Greatest Players of all time ng PBA.
01:04And syempre, nandun na rin yung mga dati ng kasama sa listahan, isa siyang selebrasyon, yung granding pagtitipon ng sinasabing who's who of Philippine basketball.
01:15So doon, Mang Sheila, very grateful ako sa PBA, tsaka kay Commissioner Willie Marshall, kasi nabigyan niya ako ng opportunity na maging witness dun sa landmark event na yun.
01:25Definitely, syempre, 50 Greatest of all time, masasabi natin, yung mga nakasama nga PBA Players sa listahan.
01:35Diba, sino-sino ba, ilan dito, Doc, ang mga nakasama nyo in that event?
01:40Siguro, Doc, i-refresh na lang natin muna yung mga bagong salta na inabutan natin dun sa event na dun.
01:48Okay, so sino nga ba yun sa Nelson Asaitono, Danny Siegel, tapos yung mga Alaska Legends natin, si Bong Hawkins, tsaka si Jeffrey Cariaso,
02:01and then yung mga Pioneers natin din, si Abe King, si Arnie Tuadles, tapos yung kasama sa ating protected list ng ATC,
02:13si Yoyoy Villamin, tsaka si Manny Victorino, and last, but not the least, yung ating dalawang MVPs.
02:22So, si 8-time MVP, Junmar Pardo, tsaka ang ating Hinebra MVP, si Scotty Thompson.
02:28So, yun yung sampo na bubuo sa 10 na dinagdag sa 50 Greatest Players list.
02:34Tapos, talas ng memorya ni Doc, mga partner.
02:38At the top of his head, naalala niya kung sino yung 10 players na yun.
02:43Pero, ayun nga, ang dala ni Doc dito, isang poster, pero hindi lang siya ordinary yung poster.
02:50Doc, ano ang kwento ng poster na dala mo ngayon para sa ating teammates?
02:54So, itong poster na ito ay isang custom poster na ginawa namin ng kaibigan ko si Sir Mark ng PH Sports Bureau.
03:03So, itataas ko lang para sa ating teammates.
03:08So, ito ay isang poster na nandito yung pictures, tsaka yung names ng ating mga 50 Greatest Players.
03:16So, yung project ko actually, Raf, Sheila, nung pumunta ko doon ay mapapirma yung as much as I can doon sa mga existing na Greatest Players,
03:27tsaka doon sa mga dumagdag na players doon sa listahan.
03:31So, ang ano naman, ang akin ay mission accomplished.
03:35So, lahat ng mga nandun na Greatest Players ng PBA ay napapirma ko.
03:39So, 26.
03:4026 na mga lagda.
03:41Napapirma ko dito sa poster na ito.
03:4326, more than half na yun, di ba?
03:45So, meron pa nga ibang players na hindi pa nakakapirma dito.
03:51Pero matanong ko lang, Doc, agree ka ba?
03:53I mean, with the players na napili, anong reaction mo, anong comment mo, at napasama sila dito, yung mga napasama sa listahan?
04:03So, actually, natutuwa ako na yung 10 yun yun yung nasama.
04:07Kasi actually, months before, naglalabas ako sa social media.
04:11Anong tingin kong dapat makasama ng 10 players, nagkataon, 10 out of 10 ako dun sa prediction.
04:19So, happy ako dun sa selection ng PBA.
04:24Actually, Ma'am Sheila yung isang good for me doon kasi binigyan ng pagkakataon yung mga naunang players, yung mga retired players na finally, makasama na dun sila istaan.
04:36For example, si Nelson Asaito, no?
04:38So, maraming nagsasabi, noong 25 greatest pa lang, dapat na dun sila.
04:42Pero ngayon, at least, better late than never, nakahabol din si Sir Nelson.
04:47Isa pang example po, si Arnie Twadles, saka Abby King, na arguably, dapat nakasama noong, kung di man noong 20, dapat noong 40.
04:57Pero ngayon, at least, nabigyan na natin sila ng magkakataon na mabigay yung honor na dapat para sa kanila.
05:03Doon sa 10 players na sinabi mo, para sa'yo, dapat na makasama, ano ba yung mga naging basihan mo?
05:12Bakit napili mo sila to be part of the 50?
05:16So, una, siyempre...
05:17Sino-sino pala po ito, mga bro?
05:18Ayun.
05:19So, in general po, yung tinignan ko na criteria para sa akin naman, sa pagpili ko ng mga greatest players ko, una yung championships.
05:28Kasi, siyempre, kaya naglalaro ang player para maging kampiyon, siyempre.
05:32Ah, number two, yung mga awards and statistics ng players.
05:36Kasi, siyempre, doon mo makikita yung productivity ng mga players natin, lalo na sa PBA.
05:43Pangatlo, siyempre, yung impact.
05:45Yung impact niya na naibigay sa liga at saka doon sa mga fans.
05:49Parang, for example, yung isang player ba na naglalaro dati,
05:54yung mga generation ba ngayon, na-appreciate pa rin yung legacy or yung naiambag ng player na yon para sa laro?
06:02Ngayon naman, Doc, meron tayong soft rule na in-apply dito sa pagpili ng 50 greatest players of all time,
06:09sabi ni Commissioner Willie Marshall.
06:11Hindi naman daw siya official na rule, pero,
06:14generally speaking, gusto nila sana,
06:19basta nanalo ng MVT,
06:20e mapasama sa mga ganitong klase ng listahan.
06:23Doc, sang-ayon po ba kayo doon?
06:25Sa opinion ko po, sang-ayon ako doon,
06:28kasi sa dami ng mga players na nasa PBA,
06:31mahirap maging MVP,
06:33maging numero uno doon sa daan-daan na player na nandun sa pambagsang diga natin.
06:38Pero, of course, isa rin dapat natin i-consider yung kung retard na ba yung player or kung hindi pa.
06:44So, kung halimbawa, mayroong retard na na player na kompleto na yung kanyang body of work,
06:50so, siguro mas magandang considerahin muna yun.
06:53Kasi, wala nang maidadagdag sa karyer niya eh,
06:56pero yung naglalaro pa or marami pang taon na pwedeng ilaro,
07:00pwede pang mas gumanda yung kanyang legacy.
07:02So, yun isang king of kailangan, i-consider din ang PBA.
07:06Pero, syempre, Doc, may mga anomaly sa ganyang ano.
07:09Tulad ni Jun Marfajardo, na although aktibo pa siya,
07:14yung body of work niya, kahit ngayon pa lang, hindi mo na matatawaran,
07:18pwedeng-pwede na talaga siya mapasama among the greats.
07:21Tama, di ba, Doc?
07:21Tama. So, syempre, mayroong tayong mga exceptions to the rule, syempre.
07:25So, of course, isa doon si Jun Marfajardo.
07:27Ngayon pa lang, eight-time MVP.
07:29Kahit matapos yung karyer niya ngayon.
07:30Kahit matapos yung karyer niya.
07:31Ngayon pa lang, for sure, kasama siya dapat doon sa top 50 list natin.
07:36Bukod sa 50 na players na ito, Doc, may mga ibang personalities
07:42o individuals pa na sinasabi nila na dapat mabigyan din ng parangal.
07:47Anong reaction mo dito?
07:49Whether it's a coach or it's a player.
07:52So, dapat nais nila na ma-recognize din yung na-contribute.
07:56Una sa mga players, Ma'am Sheila,
07:58Sobrang dami kasi nung magagaling na player na naglaro sa PBA.
08:03So, mahirap talagang maikahon lahat na,
08:06na lahat nang dapat maisali,
08:08i-co-condense mo sa 50 slots lang.
08:11Kaya maganda sana na in the future,
08:13madadagdagan na madadagdagan yung listahan na ito.
08:17Tapos, pangalawa, yung sinabi mo rin, yung coaches.
08:20So, siguro maganda rin magkaroon tayo ng mga list
08:23ng greatest coaches sa kasaysayan ng PBA.
08:25Totoo kasi dito puro players lang,
08:27although some of them are present coaches na.
08:30Pero in this list,
08:32walang coach na na-recognize o napasama sa listahan na ito.
08:36Dito ko nagugustuhan, doc at partner,
08:39yung suggestion ni Alan Kaydik,
08:41sabi niya,
08:42baka panahon na raw para buhayin itong PBA Hall of Fame naman.
08:45Para hindi lang limitado sa players,
08:49hindi limitado yung bilang,
08:51pwede rin mag-extend sa coaches,
08:53and pwede mag-extend sa teams.
08:55So, sa isang batch,
08:56pwedeng maramihan agad.
08:58So, palagay ko partner sa ganung paraan,
09:00pwedeng pumasok yung sinasabi mong
09:03mas marami pa saan ang mabigyan ng parangal.
09:05Tama.
09:06Nung huli kasing nagkaroon ng Hall of Fame induction,
09:10yung PBA,
09:10I think mga 2,000s pa eh.
09:12So, maybe it's about time na
09:14siguro i-consider na ng PBA na
09:16buhayin yun,
09:18at yung mga kailangan mabigyan pa ng parangal,
09:21ay mabigay yung dapat para sa kanila.
09:23O, syempre, I mean,
09:24sa tinagal-tagal ng ating PBA,
09:28diba,
09:28andang pumasok,
09:31nakilala,
09:32at hanggang ngayon,
09:33eh,
09:34nagbibigay pa rin,
09:34at meron pa rin impact
09:36sa lahat ng Pinoy basketball fans.
09:38At, hindi ba,
09:39sino bang hindi yung gusto ma-recognize,
09:42diba,
09:42kung ano man yung naging performance nila,
09:44o anayambag nila sa mundo ng basketball.
09:48Diba?
09:48Pero sa puntong ito,
09:50Dok,
09:50abangan natin kung kailan mo makukompleto yan.
09:53Yes.
09:53Pero sa ngayon,
09:54kung meron ka raw mensahe,
09:56o gustong i-promote,
09:58baka ngayon na yung pagkakataon mo
10:00para gawin ito, Dok.
10:00So, una po,
10:02maraming salamat po sa PBA,
10:05Commissioner Willie Marshall,
10:06sa pagbibigay po sa amin
10:08ng opportunity na makasama po sa
10:11Gila Knight po,
10:12ng induction ng ating 50 Greatest Players.
10:15And,
10:16looking forward po kami na
10:17sa mga susunod na mga activities ng PBA
10:19na makasama po ulit kami doon.
10:21Ayan.
10:22Maraming maraming salamat again for joining us,
10:24Dok,
10:25Rivo,
10:25Messina,
10:26at syempre sa susunod ulit.
10:28Salamat.

Recommended