The GMA Integrated News' 32-hour special coverage for #Eleksyon2025.
Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025: https://ow.ly/HHki50VQFxi
Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news . Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews
00:00At mula sa Lanao del Sur, dako tayo sa Batangas, niluwang balota at blankong resibo naman ang ilan sa mga naitalang aberya dyan sa Lalawigang yan.
00:09At ang babatayroon live, si Darlene Kai. Darlene?
00:17Ivan, ulang dalawang oras pa lang ng regular voting pero ilang ACM o automated counting machines na yung nagka-aberya dito sa GB Lontoc Memorial Integrated School sa Lipas City, Batangas.
00:28Yung isang presinto, yung Clustered Precinct 211, blanco yung lumalabas na resibo sa mga unang subok.
00:36Ang nangyayari, kailangang ulit-ulitin yung pagpiprint ng VVPAT o yung resibo dahil blanco nga yung unang dalawa hanggang tatlong subok.
00:44So, kada botante, kailangang i-insert ni Ginong Ramil Gonzalez, yung EB Chairman, yung smart key niya para ulitin yung pagpiprint hanggang sa may lumabas ng resibo na may nakaprint.
01:00Hindi daw yan inaasahan ng EB Chairman dahil maayos naman daw yung ACM noong initialization at hindi naman daw lumabas yung ganitong klaseng aberya noong nag-final testing and sealing sila.
01:11Kaya ang nangyayari ngayon ay naiipon yung mga botante at nagkakapila sa labas.
01:17Kung ganyan daw ang magiging sitwasyon buong araw ay talagang tatagal raw sila.
01:21Pero sabi ni Gonzalez, wala naman daw itong epekto sa integrity ng boto dahil na-checheck pa rin ang botante yung resibo na tugma naman sa kanilang binoto.
01:31Yan kasi yung pangamba ng isa sa mga nakausap naming botante na naapektuhan niya.
01:36Yan yung pangalan niya si Maricel Lohico. Baka raw may mangyari sa boto niya pero pagka-check naman daw niya noong may na-print na doon sa resibo ay tama naman daw.
01:46Kinontak na raw ng mga miyembro ng electoral board ng Clustered Precinct 211, yung technical personnel ng COMELEC at yung DESO mga technician para maayos daw itong problema.
01:59Dahil yung pangamba nila, hindi lang pila yung maging problema dito baka daw maubusan din sila ng thermal paper.
02:07Bago yan, meron na rin ACM kanina na nagluwa ng balota.
02:11At may isang ACM na walang print yung lumabas sa resibo noong bago pa magsimula yung botohan, noong ini-initialize pa lang yung machine.
02:21Kaya na-delay yung simula sa pagboto doon sa Clustered Precinct 221 ng mga 20 minuto.
02:29Samantala, Ivan, yung nakikita nyo ngayon ay live situation dito sa GB Lontok Memorial Integrated School.
02:36Ito yung polling place sa buong Lipacity na may pinakamaraming registered voters.
02:4316,000 na mga botante ang naasahang boboto rito ngayong araw.
02:48Mula rito sa Lipa, Batangas, ako po si Darlene Kay ng GMA Integrated News.
02:53Dapat totoo para sa eleksyon 2025.
02:56Darlene, yung printout ng boto ng botante, assurance yun eh, na nabilang ng tama yung kanyang boto.
03:03At eventually, kung kailanganin, gagamitin din yan sa audit ng mga boto.
03:09Paano nire-resolve ng mga electoral board yung mga ganyang kaso?
03:12At ano ang sinasabi naman ng mga botante?
03:14Sila ba'y nag-i-insist na kailangan magkaroon muna sila ng printout?
03:18Lahat ng mga botante na witness o nakausap natin na nakaranas ng ganitong klase ng problema,
03:27hinihintay talaga nila at ini-insist nila na magkaroon ng printout yung mga resibo.
03:35So ang ginagawa nila, pagkasubo nila ng balota sa ACM,
03:38So initially, ang nangyayaring ang problema, katulad ng dinescribe ko kanina,
03:42lumalabas yung mga resibong walang nakaprint o blanco.
03:46So tinatapon yung bahagi ng thermal paper na yun at ini-insert ng EB Chairman,
03:51yung smart key doon sa makina.
03:54Tapos, magsusubok ulit silang magprint, mga 2 to 3 tries daw,
03:59eh meron ng bago magkaroon ng nakaprint.
04:01So tama ka, importante talagang ma-check nila yung VVPAT na tinatawag o yung resibo na yan
04:08para matignan kung yung lumabas ba na na-read noong machine,
04:12ayun din yung shined nila sa kanikan nilang mga balota.
04:15So nire-resolve yan sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagtatry.
04:19So once naman na naprint na noong machine yung resibo,
04:25pagka-check naman nung lahat ng nakausap nating butante yung naka-experience nito so far,
04:29ay tugma naman doon sa kanilang shined sa balota.
04:32Kaya nga sinasabi sa atin yung EB Chairman na hindi naman daw naapektuhan yung integrity
04:38ng pag-re-read ng machine.
04:40Talagang nagkakaroon lang sila ng problema doon sa tagal o duration
04:46na napoproseso yung pagboto ng bawat butante sa clustered precinct na iyon, Ivan.
04:52Okay, ganyan po ma, nakamon.
04:54Yes, go ahead, Tita.
04:56Ano ba itsura nung resibo na yan, Darlene?
05:00Ano itsura niya resibo?
05:01Yan ba'y parang xerox copy ng balot na sinulatan mo?
05:08Ganun ba yun, Darlene?
05:14So Mel, yung itsura nitong resibo na ito,
05:18yun yung parang ganito lang siya kalapad na thermal paper.
05:23So ilalabas yan na printout ng ACM para macheck mo kung yung listahan ng kandidato na nakaprint doon
05:33e tugma doon sa mga shined mo sa balotang sinubo mo doon sa ACM, Mel.
05:38Ah, mamaya natin pag-usapan yan.
05:42Pero minomonitor ng Comelec yan, I'm sure.
05:44So Comelec, dyan po sa Batangas, kinaroon na ni Darlene may ganyang issue sa kanilang ACM.