Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2025
The GMA Integrated News' 32-hour special coverage for #Eleksyon2025. 

Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025: https://ow.ly/HHki50VQFxi

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Malita raman tayo live mula sa kasama natin si Mariz Ubali.
00:05Mariz, kumusta dyan sa Pasig?
00:10Ivan, Pia, and of course Mel,
00:14habang umuusad nga ang oras,
00:16talagang sunod-sunod naman ang pag-usbong
00:19ng mga napakaraming aberyat,
00:22mga problema rin naman dito sa nagpayong elementary school.
00:25Hindi masyadong naiiba doon sa mga nauna nang nabanggit
00:29ng ating mga kasamahan na naka-assign ngayon
00:31sa iba't ibang mga lugar.
00:32Nariyan yung nagkaaberyang mga makina,
00:35yung mga priority sector na mukhang reklamo nila
00:38hindi naman ata sila nabibigyan ng prioridad
00:41dahil sa haba ng pila at oras-oras na
00:43yung kanilang hinihintay, hindi pa rin sila makaboto.
00:46At nariyan din yung problema
00:47na hindi mahanap yung kanilang mga pangalan
00:51kahit na may proweba sila,
00:53narehistrado sila dito sa presinto rito sa eskwelahan na ito.
00:57So isa-isahin natin, no?
00:58Ivan, bago ang mga makina, no?
01:01Automated counting machine.
01:03Pero hindi maiwasang magkaaberya nga.
01:05At dito sa nagpayong elementary school
01:07e nagkasunod-sunod yung mga presinto
01:10na kaproblema sa mga makina.
01:12Merong nagjam yung makina
01:14kaya di maipasok ang balota.
01:16Kinailangang hilahin ang bahagya
01:18para mailabas.
01:19Meron din na mga kinain ng makina,
01:22yung thermal paper,
01:23kaya nag-clump o parang nag-crumple siya sa loob.
01:26At kinailangang maghintay pa ng mga teknisyan
01:28bago mapagana muli.
01:30At meron din mga debris.
01:32O narinig ko rin ito doon sa ibang mga nag-report kanina.
01:35Mukhang madumi yung makina, no?
01:37Kaya ang nangyari,
01:39hindi binabasa yung balota
01:40at tila niluluwa yung mga balota.
01:43So kinailangang linisin muna yan.
01:45Ang nangyayari,
01:46na de-delay yung butohan
01:47kasi syempre,
01:48hintayin muna yung teknisyan
01:49mga 10 to 15 minutes
01:51bago makarating.
01:52At pagkatapos niyan,
01:53ay asikasuhin,
01:54ayusin yung mga makinang ito.
01:57So natatagalan ang bahagya.
01:59Pero so far,
02:00sa nakita natin,
02:01mukhang gumana na
02:03yung mga ilan sa mga makina na ito.
02:05Pero hindi pa rin maiwasan na may susulput na naman
02:07o usbong na naman
02:08na nagkakaproblema ang mga makina.
02:10Yung isang problema naman,
02:11yung mga hirap na hirap makaakyat.
02:14Kaya meron tayong ilang mga nakausap dito.
02:16Kasi alam mo,
02:18Ivan, dito sa eskwelahan na ito,
02:19dito sa Nagpahing Elementary School,
02:20hanggang 6 floors
02:22ang palapag dito, no?
02:25At unfortunately,
02:27merong ilang mga senior citizens
02:29na na-assign sa 5th floor,
02:31sa 6th floor.
02:32Yung isang nating nakausap,
02:33e talagang, talagang nadismaya,
02:36naiyak, talagang naging emosyonal na siya.
02:38Dahil sabi niya,
02:40talagang hirap na hirap siya,
02:41makaakyat, pero pinilit niya.
02:43Dahil parang,
02:45magkakasakit din naman daw siya,
02:46kahihintay dito sa baba,
02:48dun sa priority polling place.
02:51Alam mo,
02:51ang sitwasyon din dito,
02:52katulad dun sa binanggit ni Bernadette,
02:54e kailangan kasi,
02:55ang mangyayaring yan,
02:56alam mo,
02:57merong mga naghintay dito,
02:58dumating dito,
02:58mga 4.30 a.m. pa lang,
03:00mga alas 4.
03:00Dahil syempre,
03:01hinihintay nila,
03:02magbukas ng alas 5 hanggang 7,
03:04di ba?
03:05Pagdating dito,
03:06alam nyo,
03:07alas 9 na,
03:08hindi pa rin sila nakakaboto.
03:09Dahil pagdating dito,
03:10yun nga,
03:11kailangan nilang pumirma ng waiver,
03:13at pagkatapos nun,
03:13hukunin yung balota nila,
03:15hahanapin pa kung saan presinto sila,
03:17at pagkatapos nun,
03:17ibababa,
03:18dun pa lang sila makakaboto.
03:19So,
03:20ang nangyayari,
03:21lahat yan,
03:22naiipon,
03:23puro sila naka-wheelchair,
03:24naka,
03:25talagang hindi na makalakad halos.
03:27Kung kaya lang daw talaga nila,
03:29aakyat sila.
03:30Pero kung ganun kahirap,
03:316th floor,
03:325th floor,
03:32eh talagang hindi na nila kakayanin.
03:34So,
03:34yung iba,
03:35nagre-reklamo na.
03:36May mga iban,
03:37nagsiuwian na.
03:38Bayaan na raw yung boto,
03:39kasi kakamatay naman daw nila
03:40kung maghihintay sila rito.
03:41Dahil hindi pa sila nakakapag-maintenance,
03:44hindi pa sila nakakakain.
03:46Oo,
03:46Ivan.
03:46Yan yung itatanong ko sa ito,
03:49nagre-react si Mel dito sa tabi ko.
03:52Mel,
03:52baka may,
03:53kay Maris mo na rin,
03:54iba't ito yung tanong mo.
03:55Bakit nga ba kasi,
03:56Maris,
03:57hindi na sa ground floor
03:59yung presinto ng mga senior
04:01para hindi na kailangan ng mga
04:02priority polling place?
04:05Baka Mel,
04:06baka may gusto ko itanong kay Maris.
04:07Go ahead.
04:08Sige dahil.
04:09May sagot ka na ba, Maris?
04:11Wala pa.
04:14Hindi,
04:15go ahead.
04:15Alam mo,
04:17Tita Mel,
04:18ang problema kasi,
04:20dito sa first floor,
04:22priority polling place lang
04:24ang inilaan dyan.
04:26Ang ibig sabihin nito,
04:28pwede lang silang bumoto rito
04:30para doon sa mga hindi
04:32nakakaakyat na sa taas.
04:34Pero walang makina rito.
04:35Wala rito yung automated
04:37counting machine.
04:38So, ang tanong is,
04:39bakit naman sila nilagay sa taas?
04:41Bakit sila nilagay sa taas?
04:43Ega yung senior citizen sila.
04:44Ang problema kasi,
04:45hindi mo maiisa-isa
04:47na itong,
04:48bawat presinto may senior citizen.
04:50So,
04:50hindi na nila maiisa-isa na,
04:52ah,
04:52ito,
04:53senior citizen to.
04:54So,
04:54lahat pagsamahin natin dito sa isang presinto na to.
04:56So,
04:57anong nangyayari?
04:58Dahil nga,
04:59kanya-kanyang presinto,
05:00may mga senior citizen,
05:01may mga PWD,
05:03eh,
05:03hindi talaga nila
05:04may a-isolate
05:05na dito lamang sa baba
05:07sila pabobotohin.
05:09Meron silang mga
05:10kinabibilangan ng presinto
05:12and unfortunately,
05:13yung mga presinto yun,
05:14kahit nasabihin na natin na
05:16yung iba sa second floor,
05:17may iba sa third,
05:18fourth,
05:18fifth,
05:19sixth.
05:19Lahat yan,
05:20may mga senior citizen na kabilang,
05:22lahat yan,
05:23may PWD na kabilang,
05:24and posible na meron ding buntis dyan.
05:27So,
05:27hindi sila ma-isolate
05:28at lahat sila ilalagay lang sa baba.
05:29So,
05:31yun nga,
05:32unfortunately,
05:34kailangan nilang sundin
05:35yung mga assignments.
05:37Eh,
05:38yun ang problema
05:39at kailangan nga
05:40sagutin ng COMELEC.
05:41Siguro dahil sa dami rin nila,
05:43sa sobrang dami nila,
05:44hindi na kailangan
05:45maisa-isa na,
05:46ah,
05:46o ito,
05:47nung ano sila,
05:47nung 22 year,
05:48nung 2022,
05:5157 pa lang sila
05:53at ngayong 2025,
05:5560 years old na sila.
05:56So,
05:57hindi na sila
05:57mamomonitor ng COMELEC
05:59na dito sila dapat
06:00sa presinto.
06:02Oo,
06:02so,
06:02unfortunately,
06:04hindi ganun yung sistema.
06:06Bawat isa sa mga,
06:07ah,
06:08naiintindihan ko po kayo
06:09Ninang Mel,
06:10alam mo kung bakit?
06:10Ang dami ko nakausap
06:12ng mga senior citizens dito
06:13at awang-awa ako.
06:16Awang-awa ako
06:17dahil sa
06:18sitwasyon nila.
06:20Alam mo,
06:21ang dami,
06:22ang dami nilang ano,
06:23talagang lahat sila,
06:24hindi na nga makakain.
06:25At,
06:25at dagdagan ko na lang din,
06:27ha,
06:27Ivan,
06:28bago ko magpaalam.
06:29Kasi,
06:30yung ibang problema naman dito,
06:32nakikita nyo yung dito sa likod ko,
06:33ang dami pa rin mga tao,
06:35ito yung mga hindi pa rin mahanap
06:36yung mga presinto nila.
06:37So,
06:38yung kanina na nakausap natin,
06:40meron siyang pruweba,
06:41na meron siyang
06:42rehistrado siya,
06:44pero hindi pa rin siya,
06:45hindi niya mahanap
06:46yung pangalan niya rito,
06:46so hindi siya makaboto.
06:48At isa pa,
06:49ipapaalala ko lang po sa inyo,
06:50dahil,
06:51mga kapuso,
06:52yung pag-iingat natin talaga
06:54sa balota natin,
06:56kasi alam natin,
06:56isa-shade natin.
06:58Minsan,
06:58accidentally,
06:59baka dahil sa marker pen
07:01na hawak natin,
07:02biglang nasulatan.
07:03Kanina,
07:04napaka-unfortunate na nangyari
07:05doon sa isa natin nga na-interview.
07:07Imaginin mo,
07:085 a.m.,
07:09nakapila na siya rito
07:10para bumoto.
07:12Pagdating niya,
07:13so nakaboto siya,
07:14senior citizen siya,
07:15pagdating,
07:16hindi niya akalain
07:17na mukhang namarkahan niya
07:19accidentally
07:20yung kanyang balota.
07:21So nakaboto siya,
07:22di ba?
07:23Pero,
07:23sampung beses ipinasok sa makina,
07:26niluluwa na niluluwa,
07:27dahil bakit kanyo?
07:28Dahil mukhang namarkahan niya
07:30accidentally
07:31yung balota niya,
07:33kaya,
07:33parang ano na siya,
07:35parang tampered na siya,
07:37so hindi na siya
07:38tinatanggap.
07:39So in effect,
07:40hindi na siya makakaboto,
07:42hindi na makakaunt yung boto niya.
07:44Dahil,
07:44ang sinasabi ng mga electoral board dito,
07:47one is to one lang.
07:48Kapag ikaw ay nakarehistro,
07:50talagang isang balota lang.
07:51Kaya dapat ingatan niyo po
07:53yung inyong mga balota.
07:55Siguraduhin niyo,
07:56bago kayo sasagot,
07:58tingnan niyo na,
07:58walang marka talaga yan.
07:59Lahat,
08:00bawat area.
08:01And,
08:02kapag kayo po ay sasagot,
08:03dahil napaka,
08:04ano nung tinta nung marker eh,
08:07konting sulat lang yan,
08:08baka matamper yung inyong balota,
08:10kaya ingatan niyo po ng huston
08:11na didikit lang yan
08:12dun sa mga shade na gusto nyo,
08:14I mean,
08:14sa mga bilog na gusto nyo talagang i-shade
08:16para siguradong makakaunt
08:18ang inyong mga boto.
08:19So,
08:20yan muna
08:20ang latest na sitwasyon.
08:22Patuloy tayong
08:23magpapatuloy
08:24sa pag-aabang
08:25dito sa mga
08:26nangyayari dito.
08:27Mula pa rin dito
08:28sa Nagpayong Elementary School,
08:29ako po si Mariz Umali
08:30ng GMA Integrated News.
08:32Dapat totoo
08:32para sa election 2025.
08:34Maraming salamat,
08:36Mariz Umali.

Recommended