Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2025
The GMA Integrated News' 32-hour special coverage for #Eleksyon2025. 

Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025: https://ow.ly/HHki50VQFxi

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Mel, pasado alasist na nga, kaya talaga naman, nako, ramdam na ramdam na yung init ng panahon dito sa may bahagi ng Dasmarinas Cavite.
00:09At kasabay nga nyan, kanina lamang, ay merong isang nakita tayong PWD na medyo sumama ang loob, sumama ang kanyang pakiramdam.
00:18Medyo nanikip ang kanyang dibdib at hindi masyadong nakahinga ng maayos itong si John Babaran.
00:25At sinasabi dito, Mel, ay agad itong tinutukan ng mga tauha ng Philippine Red Cross at sinikap na talagang maalalayan siya ng todo.
00:36At sinasabi din dito, Mel, na galing lang siya, kalalabas lang daw niya sa ospital, pero pinilit niya na talaga namang makapunta sa kanyang polling president para bumoto dito sa eleksyon ngayong taong ito.
00:48At kasabay nyan, Mel, pinakilos na rin itong ating mga polis para alalayan yung ating mga PWD dahil pahaba na ng pahaba yung pila sa loob at labas ng mga swelahan.
01:00Kung kaya't minabuti ng PNP na alalayan itong mga PWD at makarating man lang doon sa may pinakabungad ng kanilang swelahan para mas madaling makaboto ngayong araw na ito.
01:12Yan ang pinagutos na pahayag nitong si General Kenneth Paul Lucas. Ito ang kanyang naging pahayag, Mel.
01:20Yung mga PWDs natin, yung unaan dahil sa dami ng mga tao, ito yung mga ina-assist ng polis natin para makapasok at makaboto kaagad.
01:30Sa ngayon, Mel, makikita natin sa aking likuran, mahaba na yung pila at talaga namang siksika ng sitwasyon dito sa Santa Cruz Elementary School.
01:44Pero alam mo mo, Mel, na merong isang botante na pumunta sa PPCRB.
01:49At medyo nagreklamo siya dahil laking gulat niya, Mel, nung kanyang tingnan yung listahan at nakita yung litrato na nakalagay doon sa listahan.
02:00Katabi ng kanyang pangalan ay hindi niya litrato.
02:04So nagkaroon siya ng pangamban.
02:06Sabi niya, baka masayang lang yung ilang oras ko pag-aantay.
02:09Pero buti na lang, Mel, after nga siyang kausapin ng mga election officers at ma-assess yung kanyang naging sitwasyon,
02:15ay pinayagan din siyang bumoto sa huli.
02:18So sa ngayon, napatuloy ang pag-usad ng mga proseso ng pagboto dito sa ating kinalalagyan sa Desmarinas
02:25at inaasahan natin na patuloy pa rin dadagsa ang ating mga kababayan para makaboto ngayong araw.
02:31Mula rito sa Desmarinas Cavite, ako si John Consulta ng GMA Integrated News.
02:35Dapat totoo sa eleksyon 2025.
02:39Maraming salamat sa iyo, John Consulta.

Recommended