00:00Ibinahagi ng kampo ni Filipino Boxing Champion Pedro Taduran na isang bagay lamang na kinakailangan nila upang makauwi ng bansa hawak ang IBF Minimum Weight Crown.
00:11Kung ano ito, alamin sa report ng aking teammate na si Paulo Salamatin.
00:17Plano ni reigning International Boxing Federation o IBF Minimum Weight World Champion Pedro Taduran
00:23na ulitin ang nakarang resulta ng kanilang unang laban kontra sa dating kampiyon at Japanese boxer na si Ginjiro Shigioka
00:30kung saan nanalo ang Pinoy via technical knockout noong nakarang taon.
00:35At sa darating na May 24 ngayong taon, ibinahagi ng 28-year-old Filipino slugger na wala ng ibang paraan pa upang manatiling kampiyon
00:43kundi ang man-knockout lang si Shigioka sa kanilang rematch sa Japan.
00:48Sa nagarap ng Philippine Sports Writers Association Forum Kamakailan sa Maynila,
00:52ito mismo ang ibinahagi ng head coach ni Taduran na si Carl Peñalosa Jr.
00:58May mga plano po kami ginagawa ni coach niya sa mayroon kasi kung ibang gawin niya po sa laban,
01:05may ibang style na gagawin namin para mawala yung discante niya na sa laban niya.
01:15Sa kanyang title defense at ikalawang tapatan kontra Shigioka kung saan paniguradong pinag-aralan na ito ng gusto ng hapon,
01:23ibinahagi ni Taduran na may mga nakahanda na itong estilo upang hindi magtagumpay sa plano ang Japanese fighter.
01:30At pinigil ko ngayon, takot na rin.
01:37Kailangan na rin, in-account na rin, in-account na rin, patasya rin ang panalo.
01:44Sakaling mapagtagumpayan muli ang laban kontra Shigioka,
01:48target ng kampo ni Taduran ang isang unification fight kontra sa WBA at WBO minimum weight champion na si Oscar Colazo,
01:56bago harapin ang kapwa Pinoy na si Melvin Jerusalem
01:59para sa isang historic all-Filipino undisputed minimum weight world title fight.
02:05Paulo Salamatin, para sa atletang Pilipino, para sa bagong Pilipinas.