Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/6/2025
Kasabay ng pagtanggap sa misyon ng simbahan ang pagpapalit ng mapipiling Santo Papa ng kanyang pangalan. Nakasanayan na ito simula pa noong ika-10 siglo pero tradisyong pinaniniwalaang nakaugat sa bibliya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, kasabay ng pagtanggap sa misyon ng simbakan ang pagpapalit ng mapipiling Santo Papa ng kanyang pangalan.
00:15Nakasanayan na ito simula pa noong ikasampung siglo pero tradisyong pinaniniwalaang nakaugat sa Biblia.
00:21Ang sinisimbolo nito sa pagtutok ni Maki Pulido.
00:24Abenus Papa
00:29Bago marinig ang katagangyana Latin para sa meron na tayong Santo Papa,
00:39tatanungin muna ang pinili ng two-thirds ng Cardinal Electors o higit pa kung tinatanggap niya ang pagkahalal sa kanya
00:46at kung oo, ano naman ang napili niyang pangalan bilang Santo Papa.
00:50Sino ay Jorge Cardinal Bergoglio, piniling isunod ang pangalan kay St. Francis na naglingkod sa mga mahihirap at binigyang halaga ang kapatiran.
01:00Benedict ang pinili ni Joseph Cardinal Radzinger, pangalan ng Santo Papa noong World War I na nagbursige para sa kapayapaan.
01:07Habang si Pope John Paul II gustong ituloy ang misyon ng sinundan niyang Santo Papa na si Pope John Paul I.
01:14Doon sa pangalang pipiliin ng ating bagong Santo Papa, doon pa lamang makikita na natin in a way ano yung magiging direksyon ng kanyang papacy.
01:26May biblical tradition ang pagpapalit ng pangalan.
01:30Sa New Testament ng Biblia, Peter ang binigay ni Jesucristo kay Simon na pinaniniwala ang nagtatag ng simbahang katolika at naging unang Santo Papa.
01:39Hindi pinagbabawal, pero wala pa sa mga sumunod na Santo Papa ang pumili ng pangalang Peter.
01:45I am not worthy to choose the name of the first Pope. I am a successor. The Pope is the successor of Peter, the vicar of Christ, but I am not worthy to have the same name.
02:00Pero sa pagsasaliksik ni Father Aris, naging standard practice lang ang pagpapalit ng pangalan noong 10th century na maging Gregory V si Bruno of Carinthia.
02:09Mulaan niya noon, naging simbolo na ang pagpapalit ng pangalan ng personal transformation at misyon ng mga bagong halal na Santo Papa.
02:18Pusible rin niyang bago pa man pumasok ng conclave ang mga cardinal elector, may napili na silang pangalan sakaling sila ang mahalal na bagong Santo Papa.
02:27I would like to think that each of the cardinal electors know that it is their duty to vote, to elect the next Pope, but I think they are also aware na they are candidates themselves.
02:46So somehow, pumapasok sa isip yan. Parang bawat isa naman may patron saint. Bawat isa may favorite Pope.
02:58Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Horas.

Recommended