00:00Binantayan ng BRP Teresa Magbanwat, isang aircraft ng Philippine Coast Guard,
00:04ang Chinese Research Vessel na namataan sa loob na Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:10Una itong na-monitor na pumasok sa EEZ noong May 1, 92 nautical miles mula sa Burgos, Ilocos, Norte.
00:18Walang naging tugon sa radio challenge ang crew ng Chinese Research Vessel na Tansu 3,
00:23kung saan ipinaalam sa kanila ng PCG na iligal ang pagsasagawa ng maritime o marine scientific research sa EEZ ng Pilipinas.
00:33Nakuha na naman ang mga litrato at video ng PCG na may isang Manned Deep Sea Submersible Vessel na lumapit sa Research Vessel at kinuha ng crew nito.
00:45May narecover din na isang kulay, dilaw na kagamitang hindi pa matukoy.
00:49Sa ngayon, naitaboy na ang Research Vessel na huling namataan 250 nautical miles mula sa Burgos, Ilocos, Norte.