00:00Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pangungunahan ang ika-123 pagdiriwang ng Labor Day ngayong araw sa Pasay.
00:09Higit 14,000 job vacancies naghihintay sa mga naghahanap ng trabaho ngayong selebrasyon ng Araw ng Paggawa.
00:17Si Alvin Baldazar na Radyo Pilipinas sa Balitang Pambansa.
00:20Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdiriwa ngayong araw na ito ng Labor Day na gagawin sa SMX Convention Center sa Lunsod ng Pasay.
00:31Tampok sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ang job fair na lalahokan ng may isandaan na tatlong mga employer at kilalang mga kumpanya.
00:39Mula sa nabagit na lalahok na local employers at kumpanya ay abot sa 14,207 na mga job opportunities ang iaalok ng mga itong trabaho.
00:49Bahagi din ng selebrasyon ngayong Araw ng Paggawa ang pamamahagi ng kabuhayan sa mga Organisadong Union ng Manggagawa.
00:56Ganon din sa mga magulang ng child laborers at mga biktima ng paglabag sa human rights.
01:02Kasama din sa pagdiriwang ang pagbibigay ng ayuda sa mga benepisyaryo ng tulong panghanap buhay sa ating disadvantaged, displaced workers o topad.
01:11Tema ng pagdiriwang ng Labor Day ang Manggagawang Pilipino kaagapay sa pagunlad, sandigan ng mas matatag na bagong Pilipinas.
01:20Samantala, may apela naman ng Palaso. Ngayong nagpapatuloy ang apat na araw ng libring sakay sa MRT at LRT bilang bahay ng pagpubugay sa mga obrerong Pinoy ngayong Labor Day.
01:31Panawagan ng Malacanang, huwag na sanang bigyan ng mali siya ang free rides ngayon sa LRT at MRT.
01:37Apela ni Palace Press Officer Atty. Clary Castro, hayaan na lang sana pakinabangan ng taong bayan ng libring sakay na anya'y tulong na din ng gobyerno sa mga manggagawa.
01:48Hindi anya dapat isipin ginawa ang hakbang dahil malapit na ang eleksyon habang ipinilawa na din ang PCO official kung bakit apat na araw itong isinasakotuparan.
01:56Kung maywan lang ani Castro kasi ibibigay ang free rides sa MRT at LRT, ay hindi naman mararamdaman ang benibisyaryong dulot ng libring sakay sa LRT at MRT.
02:09Ang maywan po kasi, International Labor Day po ito. Hindi naman po natin ipwedeng ibigay ito sa mga manggagawa sa December.
02:16So tama lamang po sa panahon kung kilang dapat sineselebrate po ang Labor Day, doon lamang po natin ibigay.
02:21Para sa Balitang Bambansa, Alvin Maldazar ng Radyo Pilipinas.