00:00Umabot na sa 3,000 mga residente ang lumikas mula sa Ocean County sa New Jersey dahil sa sumiklab na wildfire.
00:09Ayon sa New Jersey Forest Fire Service, higit sa 3,000 hectare na ang natutupok ng apoy at nasa 10% pa lamang ang under control.
00:19Dahil sa sunog, nawala ng kuryente ang nasa 25,000 customers at isinara ang bahagi ng Garden State Parkway.
00:27Patuloy ang investigasyon sa Sanhinansuno.
00:31Tinuligsa ni Mexican President Claudia Shinbong ang inilabas na TV ads ng administrasyon ni U.S. President Donald Trump laban sa illegal immigration.
00:41Tinawag ni Shinbong na diskriminatory propaganda ang naturang ad na nakasisiraan niya sa dangal ng mga migrante at posibleng mag-udyok pa ng karahasan.
00:51Sa nasabing ads, nagbabantang huhulihin ang mga migranteng papasok sa Amerika ng iligal at tinatawag silang criminals.
00:59Bahagian nila ito ng multi-million dollar international campaign ng Amerika na ineere sa iba't ibang bansa.
01:06Dahil dito, ipinag-utos ni President Shinbong ang pagpapatigil sa pag-ere ng nasabing ads sa kanilang local TV habang inaaral umano niya ang pagsusulong ng panukalang iban ang mga paid ads mula sa mga foreign government.
01:23Nakapila para maging santo ang arkitekto ng dinarayong sagrada familia sa Barcelona na si Antoni Gaudi, a.k.a. GADS Architect.
01:32Ayon sa Vatican, kinilala ni Pope Francis ang heroic virtus ni Gaudi para ideklara itong venerable o candidate for sainthood ng simbahang katolika.
01:43Bukod sa kanyang kakaibang galing sa arkitektura, binigyan pugay rin ng Santo Papa ang malalim niyang pananampalataya.
01:50Nabatid na ang pagpirma ni Pope Francis sa nasabing deklarasyon,
01:54ang unang naging official appointment nito noong matapos ang kanyang naging limang linggong gamutan, punsud ng pneumonia.
02:02Joyce Salamatin, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.