00:00Nanginiwala si Kabataan Partilist Representative Raul Manuel na desperado na umano si Vice President Sara Duterte na maisalba ang kanyang sarili kaya't sunod-sunod ang kanyang pag-endorso ng mga kandidato sa pagkasenador sa hatol ng Bayan 2025.
00:17Ayon kay Manuel, ngayong inaabangan na ang impeachment trial. Tila nag-iipo na umano ng kaalyado sa Senado ang Vice Presidente. Ang mga senador kasi ang uupong judge sa impeachment court at sila rin ang magpapasya kung mako-convict o ma-acquit si Duterte. Kapag convicted, hindi lang siya mapapatalsik sa pwesto, kundi pang habang buhay na rin siyang hindi makakahawak ng posisyon sa gobyerno.
00:41Sa bahagi ng impeached Vice Presidente, kailangan niya ng sapat na bilang para hindi siya i-convict kapag matuloy na ang impeachment trial sa Senado.
00:56Ang pag-endorse niya, nagpapakita yun ng kanyang desperation para isalba yung kanyang sarili kasi kapag makonvict siya, matatapos na ang kanyang ambisyon para magpatuloy pa sa public service.
01:17Ang ilang House leaders, duda rin sa motibo ng Vice Presidente ngayong campaign period.
01:23Sabi ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adyong, hindi na niya ikinagulat ang estrategia ni Duterte.
01:30May karapatan din naman talaga siyang mag-endorso ng mga kandidato pero kapansin-pansin lang ang timing nito.
01:36Para naman kay House Deputy Majority Leader Paulo Ortega, ano mang mangyari kung piyansa siyang may matibay na ebidensya ang prosekusyon laban sa Vice Presidente.
01:46Tiyak na magiging patas din ang mga uupong Sen. Judges.
01:49Well, definitely malakas po yung mga ebidensya kasi nga nakita na po natin yan during the hearings po ng GoodGov, no?
01:57Saka mga nakaraang briefings, saka during the budget.
02:04Pero sabi ko nga po, hindi mo maiiwas na isipin na baka mabigyan po ng impluensya at magkaroon po ng impluensya.
02:11So, seeing lalo kung meron silang mapanalo o matagdagan ng suporta dahil sa endorsement nila.
02:18Pero sa akin naman po, ang obligasyon ng mga Sen. Judges ay sa taong bayan, hindi po sa nag-iisang tao lang o politiko.
02:27Sa isang pahayag, iginiit ni Vice President Duterte na iisa lang ang layunin ng kanyang mga iniendorsong kandidato.
02:35At yan ay magkaroon ng mapayapa at maunlad na Pilipinas.
02:38Gate naman ng mga kongresista sa darating na eleksyon, nasa kamay ng taong bayan ang kinabukasan ng bansa.
02:46Kaya't sana'y piliin ang bawat isa ang mga pinakakarapat-dapat na kandidato.
02:51Melalas Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.