Kausap ang ilang miyembro ng entertainment press, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inalala nina Monching Gutierrez at Jackie Lou Blanco ang yumao nilang ina na si Pilita Corrales.
Namayapa nitong April 12, 2025, ang tinaguriang "Asia's Queen of Songs" na si Pilita sa edad na 87.
Naulila niya ang mga anak na sina Ramon Christopher o Monching Gutierrez at Jackie Lou Blanco.
Anak ni Pilita si Monching sa aktor na si Eddie Gutierrez habang ang Spanish businessman namang si Gonzalo Blanco ang ama ni Jackie Lou.
Hindi na napigilang maging emosyunal ni Jackie Lou habang inilalahad kung gaanong kabuting ina sa kanila ni Monching si Pilita.
Kinumpirma rin nila na may ginagawang documentary ang aktres na si Janine Gutierrez para sa kanyang namayapang lola.
Si Janine ay anak ni Monching sa aktres na si Lotlot de Leon.