DSWD, tiniyak na may sapat na family food packs para sa mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon; DSWD, naghahanap ng volunteers para sa repacking ng family food packs
For more news, visit: ►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel: ►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel: ►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages: ►PTV: http://facebook.com/PTVph ►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter: ►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram: ►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on: ►http://ptvnews.ph/livestream/ ►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm | 6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm PTV Sports - 8:00 - 9:00 am Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
00:00Tiniak ng DSWD na nananatiling sapat ang supply ng family food packs para sa mga lugar na apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon.
00:10Nanawagan naman ang ahensya sa publiko para sa mga nais mag-volunteer sa paglilipak.
00:15Ang serno na balita mula kay Noel Talakay live.
00:21Angelique, dahil nagpapatuloy pa ang pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon,
00:25na inaasahan ng Department of Social Welfare Development o DSWD na maaaring tumagal pa ito at mas malawag pa ang maapektuhan.
00:34At kaya naman tiniyak ng DSWD na meron silang sapat na supply ng family food packs.
00:43Tatagal ng tatlong araw ang isang family food packs kung ang pamilya ay may bilang ng limang miyembro.
00:49Ibig sabihin, ang isang linggo sa isang pamilya ay pwedeng makatanggap ng dalawa hanggang tatlong family food packs.
00:56Ayon niya sa DSWD.
00:59Kaya naman, pagtitiyak ng ahensya, may sapat na bilang ng family food packs na nakaimbak sa National Resource Operations Center sa Pasay City
01:08at Visayas Disaster Response Center sa Cebu.
01:11Sa ngayon, nasa mahigit 2.7 million ang kabuang bilang ng family food packs nationwide.
01:17At mayroon naman, nasa mahigit 93 million na standby funds nationwide.
01:24Handa po ang DSWD na magbigay ng augmentation support sa mga local government units.
01:30Sapat po ang ating mga resources.
01:32Batay sa datos ng DSWD na nanatiling na sa mahigit 12,700 ang apektado ng pamilya ng Kanlaona sa Negros Island Region.
01:44At lahat na ito ay nabigyan na ng tulong at yung iba naman ay nananatili sa mga evacuation center.
01:51Sinabi rin ni Dumlao na nasa mahigit 152,000 na mga family food packs ang nakapreposisyon sa Negros Island Region.
01:59At nagpapatuloy pa po tayo na magproduce ng karagdagan dyan sa ating mga major hubs,
02:08particularly the National Resource Operations Center at sa Visayas Disaster Response Centers.
02:15Angelique Nilinao naman ni Dumlao na hindi nagkukulang ng mga tao ang dalawang production hubs ng ahensya.
02:21At kamakailan kasi nanawagan ang DSWD ng mga volunteer para tumulong sa repacking ng mga family food packs sa nasabing production hubs.
02:31Actually, Noel, ang iyong pagtawag natin for volunteers ay hindi po nangangahulugan na nagkukulang po iyong pong ating items.
02:43Actually, pinaiigting po ng DSWD iyong pong pag-preposition natin ng mga goods.
02:51Hindi lamang po para pang tugon sa eruption ng Mount Canloon, pero para din po doon sa paghahanda ng iba pong mga disasters, emergencies na maari pong kaharapin ng ating pong bansa.
03:06Angelique Bagamat nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga local government units,
03:11tinitiyak ng ahensya na wala itong halong politika ang pamamahagi nila ng family food packs
03:16at tinitiyak din ng ahensya na matutugunan ang lahat ng pangailangan ng mga nasa evacuation center
03:23at lahat ng apektado ng pag-alboroto ng vulkan Canloon, lalong-lalong na yung mga matatanda, may kapansanan at ang mga bata.