Nag-enjoy nang husto si Willie Revillame sa pagpunta niya sa Kalibo, Aklan, para sa Ati-Atihan Festival nung January 19, 2024.
Naki-jam ang TV host sa mga nagtatambol na grupo roon. Bago naging sikat na artista at TV personality, isang session drummer si Willie.
Madamdamin ang tagpo nang lumabas si Willie mula sa isang restaurant na pinuntahan nito. Hinarana siya ng mga taong matiyagang naghintay sa kanyang paglabas.
Sabay-sabay na kinanta ng mga nag-abang kay Willie ang kanyang iconic hit song na "Ikaw Na Nga" kaya lumapit siya sa mga tao at nagpasalamat.