Nang sumalang si Mark Bautista sa 'Karaokids' segment ng "It's Showtime," hindi nito nahulaan ang GMA Station ID theme song na "Kapuso Anumang Kulay ng Buhay."
Sa tatlong awiting pinahulaan sa kanila ng ka-tandem niyang si Amy Perez, isa lang ang nahulaan nila, ang ABS-CBN Christmas Station ID na "Star Ng Pasko." Pangalawa ito sa tatlong kantang pinahulaan. Ang pangatlong hindi nila nahulaan ay ang "Iisang Bangka" ng The Dawn.
Napangiti na lang si Mark nang biruin ni Vice Ganda sa hindi nito pagkahula sa theme song ng GMA Network gayung isang Kapuso si Mark.
Basahin ang kaugnay na artikulo: https://www.pep.ph/news/local/179977/mark-bautista-forgetting-gma-theme-song-a721-20240407
#itsshowtime #markbautista #pepcoverage
Video: Ermarc Baltazar Edit: Rommel Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv