EMERGENCY LANDING – Pag-asa ng Paggaling, dala ni Yellow Bee (PART 2) | Stand for Truth
  • last year
Sa kabundukan ng Palawan, may ilang bayani na patuloy na pinipiling maglingkod sa mga komunidad na nangangailangan ng agarang serbisyong medikal.

Ang aircraft mechanic at paramedic na si Daniel, tinalikuran ang marangyang buhay sa Amerika para tumulong sa katutubong Palaw’an.

Ang dentist na si Iris, dalawang taon nang full-time volunteer para sa residenteng hindi naaalagaan ang kanilang ngipin.

Si Teacher Baby Ann, grade 8 lang ang natapos pero tumatayo bilang guro na abala sa kapakanan ng mga bata sa Marma Jungle School.

Alamin ang kanilang mga kuwento sa Part 2 ng dokumentaryo ni Lilian Tiburcio sa Stand For Truth.

Para sa mga nais magpaabot ng tulong, maaaring ipadala ang inyong donasyon sa mga sumusunod:

Daniel Julian Lui
BDO Account number :005040354305
Swift code: BNORPHMM

Website: palawanhelicopterpartnership.com
Facebook: Pamas Mission (Philippine Adventist Medical Aviation Services)

Mag-ingat sa gumagamit ng pangalan ng organisasyon o ng reporters ng @Stand For Truth upang makalikom ng donasyon.

Maraming salamat, mga Kapuso!
Recommended