UNANG GINTO: A ‘Stand For Truth’ Olympic Series: Nesthy Petecio | Stand for Truth
  • 3 years ago
“Kinalimutan ko po muna ng halos isang taon ‘yung boxing, pero nasa team po ako kung baga nag-focus ako sa school. Mag-relax muna ako sa boxing kasi grabe ‘yung depression at stress ko. Kung baga ayaw kong makakita ng gloves, ayaw ko makakita ng ring or, lahat ng kung anong puwedeng sa boxing ayaw ko muna.”


Sa kabila ng pagmamahal sa boxing, minsan na rin itong pansamantalang tinalikuran ni Nesthy Petecio matapos makaranas ng depression at stress dahil sa pagkatalo. Pero nanaig ang kanyang pagmamahal sa naturang sport kaya’t muli siyang sumampa sa ring.


Ngayon, sigurado nang may makukuhang medalya ang Pinay boxer na si Nesthy Petecio sa 2020 Tokyo Olympics matapos niyang manalo sa Women’s Featherweight Quarter Finals.


Ang laban para makamit ang gintong medalya, tuloy pa rin.


Ang kanyang mga pinagdaanan at paghahanda sa Olympics, panoorin sa report na ito.
Recommended