Sa PEP Exclusive interview ni Dolly de Leon, ikinuwento niya ang isang beses nang mag-demand siya sa set ng pelikulang Triangle of Sadness ng isa pang take ng ginawa niyang eksena.
Sabi pa niya sa crew ng Swedish independent movie, "I want another take. I wasn't happy with what I did."
Pero ang pag-demand naman ni Dolly noon ay sa utos na rin ng Triangle of Sadness director niyang si Ruben Ostlund.
Naikuwento niya ang tungkol dito sa kanyang exclusive interview last year nang magkaroon ng pagkakataon sina Cabinet Files columnist Jojo Gabinete at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributing writer Bong Godinez na makausap ang Golden Globe at BAFTA-nominated Filipina actress.
Panoorin ang video ng pagkuwento ni Dolly kung bakit siya nag-demand nang ganoon sa set ng Triangle of Sadness.
CLICK HERE for Part 1 of Dolly's PEP Exclusives interview: https://bit.ly/DollyDeLeonPEPExclusivesPart1