Nagpaunlak ng interview si Daniel Padilla matapos manalo sa kanilang badminton match sa nakaraang Star Magic All-Star Games 2022 sa Araneta Coliseum nung May 22, 2022.
Bukod sa pagkukuwento kung paano siya nahilig sa badminton, natanong din si DJ (palayaw ni Daniel) kung handa na ba sila ng girlfriend na si Kathryn Bernardo para magpakasal.
Nagbigay naman ng palugit sa sarili si Daniel kung kailan nga sila lalagay sa tahimik ni Kathryn.
Ngayong araw rin, May 25, 2022 ang ika-sampung anibersaryo nila ni Kathryn bilang magkasintahan.