Sapat ba ang P500 na budget para sa Noche Buena? | The Mangahas Interviews
  • last year
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, makapaghahanda raw nang maayos na Noche Buena sa halagang P500, ayon sa Department of Trade Industry.

“Nag-compute tayo, mayroong spaghetti with pasta with tomato sauce or spaghetti sauce. May fruit cocktail with creamer na naka-bundle… Binili kasi namin ang mga produkto, naglagay pa kami ng karne. Kasya siya sa P488.”

Pero alma ng ilan, sa taas ng presyo ng mga bilihin, hindi na nga sumasapat ang kita para sa pang-araw-araw na pagkain at gastusin ng pamilya.

Panoorin ang buong panayam kay Usec. Ruth Castelo ng Department of Trade and Industry sa The Mangahas Interviews.
Recommended