Eleksyon 2022 outlook: Sapat ba ang kahandaan ng ating mga kandidato? | The Mangahas Interviews
  • 2 years ago
"Kung ang mae-elect natin ay hindi karapat-dapat, tayo ang may kasalanan noon."

Panawagan ni UP-NCPAG Former Dean Dr. Maria Fe Mendoza sa mga botante, kilatisin nang mabuti ang iboboto nating kandidato. Tingnan daw ang kasanayan, kahandaan, at track record ng mga ito lalo na't maraming mamanahing problema ang ating susunod na lider.

Paano nga ba malalaman ang kahandaan ng mga kandidato para sa inaasam nilang posisyon sa gobyerno? Iyan ang pinag-usapan sa episode na ito ng The Mangahas Interviews.
Recommended