Narito ang mga nangungunang balita ngayong MARTES, JULY 26, 2022: • Pagpapalakas sa ekonomiya, unang tinalakay ni Pangulong Bongbong Marcos sa SONA kahapon | Pangulong Bongbong Marcos, itutuloy ang “Build Build Build” program ng dating administrasyon | Ilang hakbang para mabawasan ang utang ng mga magsasaka, isinusulong ni Pangulong Bongbong Marcos | Paglilinis sa listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps, itinutuloy ng DSWD | Face-to-face classes, pinaghahandaan na ni VP at DepEd Sec. Sara Duterte | Pangulong Bongbong Marcos, muling nanawagan sa publiko na magpa-booster shot na | Specialty hospitals, planong ipatayo | Kahalagahan ng DMW, binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos | Pangulong Bongbong Marcos, sinabing paninindigan ang ating independent foreign policy • VP Duterte, pinuri ang unang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos • Ilang labor group, dismayado sa hindi pagtalakay ni Pangulong Bongbong Marcos sa isyu ng mababang sahod at kontraktuwalisasyon • Labi ni Furigay at kanyang executive aide, ibinurol muna sa Quezon City bago iuwi sa Basilan | Probinsya ng Basilan, nakatakdang magdeklara ng state of mourning • Panawagan ng ilang grupo: Ibaba ang presyo ng mga bilihin at itaas ang sahod ng mga guro | Albularyo, patay matapos tagain ng anak | 3 magpipinsan, sugatan matapos pagtatagain • Pamilya ng Ateneo security guard na si Jeneven Bandiala, nananawagan ng hustisya sa kanyang pagkamatay • PNP: Naging mapayapa ang pagdaraos ng SONA 2022 • Unang kaso ng monkeypox, naitala sa Japan • Fashion and style ng mga dumalo sa SONA 2022, inabangan • Isa patay sa sunog sa Makati; isa pa, sugatan • Lalaki, malapitang binaril; krimen, na-huli cam • Bagong LPA, namuo sa Pacific Ocean • Pagpapaunlad ng imprastruktura at turismo, kabilang din sa mga prayoridad ni Pangulong Bongbong Marcos • Paggamit ng nuclear energy, isinusulong ni Pangulong Bongbong Marcos • Pangulong Bongbong Marcos, inilatag ang priority bills na nais niyang maisabatas • Pinoy pole vaulter EJ Obiena, bronze medalist sa 2022 World Athletics Championships • Mga magulang at estudyante, puwedeng mag-enroll nang personal, online, at sa pamamagitan ng drop boxes • Presyo ng school supplies sa Divisoria ilang linggo bago ang face-to-face classes • Lalaking nanghipo umano sa misis ng kanyang kaibigan, arestado • Kaso ng dengue sa Negros Occidental, mahigit 2,000 na • Boses ng Masa: Alin sa mga isyung binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA ang inyong babantayan? • Zubiri, itinalagang Senate President | Villanueva, uupong Senate majority leader; Pimentel, minority leader | Magkapatid na Cayetano, mananatiling independent | Romualdez, itinalagang House speaker • Suspek sa pamamaril sa Ateneo, mahaharap sa patong-patong na kaso • Mga empleyado ng Lamitan City Hall, nagluluksa sa pagkamatay ng dating Mayor na si Rose Furigay