Balitanghali Express: May 27, 2022

  • 2 years ago
Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, May 27, 2022:

- Mga nakahambalang na sasakyan sa NIA road, pinaghahatak ng MMDA
- Ekonomiya kasama ang pagtugon sa mahigit P13 trilyong utang ng Pilipinas, tututukan ng administrasyon ni President-elect Marcos | President-elect Marcos, pag-aaralan pa ang mga polisiya sa buwis | Dagdag-produksyon at importasyon, nakikitang tugon ni President-elect Marcos sa food crisis | President-elect Marcos, pakikiusapan daw ang mga trader na i-hold nang ilang buwan ang presyo ng bigas | President-elect Marcos: "There should not be any place for corruption" | President-elect Marcos, itutuloy ang magandang ugnayan sa China ngunit igigiit daw ang karapatan sa territorial rights ng Pilipinas
- Pinalawig ang pag-aangkat ng isda dahil nagkukulang daw ang supply | Asukal, nagmahal dahil matumal daw ang supply
- Ilang gulay, nagmahal ang presyo
- MMDA, tiniketan at hinatak ang mga sasakyang nakahambalang sa NIA road
- Libreng sakay sa EDSA bus carousel at MRT 3, malaking tulong sa mga commuter; hiling nila, extension sa libreng sakay
- Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, inirekomendang imbestigahan pa si Atong Ang kaugnay sa mga nawawalang sabungero
- Mga suspek sa illegal na pagbebenta ng mga hindi rehistradong gamot, huli
- Paano nga ba masiguro na totoo at hindi peke ang inyong bibilhing gamot?
- Weather update
- Kabayo sa Vigan, Ilocos Sur, nagwala sa gitna ng libing matapos mapigtas ang tali nito
- DOH: Isolation facility para sa mga tatamaan ng monkeypox, inihahanda na
- Automatic trash rake facility na tutulong para mapabilis ang pagkuha ng basura sa Letre creek, na-turnover na sa Malabon LGU
- Iba't ibang Relleno dishes, tampok sa "Pinas Sarap" bukas, 6:40pm sa GTV
- Sisig, adobo at crispy bagoong chicken wings with Mexican twist na luto ng isang Pinoy chef, patok
- Panayam kay Coco Alcuaz, Executive Director, Makati Business Club
- Katapusan ng kontraktuwalisasyon, panawagan ng grupo ng manggagawa kay President-elect Marcos | Itaas ang national minimum wage, ipinanawagan | Pagpapatupad ng maayos na One COVID Allowance, panawagan ng health workers kay Pangulong Duterte
- Ano ang masasabi mo sa rekomendasyon ng Department of Finance na dagdagan ang buwis para may ipambayad utang ang Pilipinas?
- BTS, inimbitahan sa White House para talakayin ang mga adbokasiya tungkol sa Asians at paano masusugpo ang racism at discrimination

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.