Narito ang mga nangungunang balita ngayong THURSDAY, AUGUST 18, 2022 : • Supply ng softdrinks sa ilang tindahan, nagkukulang • LPA at Hanging Habagat, nagpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon • Unang kaso ng human-to-animal transmission ng monkeypox, naitala sa Paris • Culion Sanitarium and General hospital sa Palawan, pinuna ng COA dahil sa umano'y pag-overcharge nito ng PPE at gamot sa COVID-19 | DOH, iimbestigahan ang umano'y overcharging; nagpaalala sa mga pampublikong ospital na hindi na dapat sinisingil ang mga mahihirap na pasyente • 133 ruta ng mga PUV, muling bubuksan sa Lunes • Sitwasyon ng trapiko sa EDSA Kamuning • Mga pinball machine na mula pa noong 1950s, patok sa isang museum • Ilang magulang, umalma sa pinapipirmahang waiver ng Colegio de San Lorenzo bago sila ma-refund ng tuition | Q.C. LGU, handang tulungan ang mga apektadong estudyante, guro, at staff ng Colegio de San Lorenzo | DepEd-NCR at mga opisyal ng CDSL, pag-uusapan ngayong araw ang biglaang pagsasara ng paaralan • Swiss guard, biglang nawalan ng malay habang nasa weekly audience activities ni Pope Francis |Pope Francis, ikinatuwa ang paglapit ng isang batang lalaki • Senate blue ribbon committee, didinggin ang isyu sa importasyon ng asukal at pagbili ng DepEd ng umano'y overpriced at outdated laptops • Metro Manila mayors, nanindigang itutuloy ang pagpapatupad ng no contact apprehension program • Number coding scheme, umiiral na hanggang 10 am; mga plakang nagtatapos sa 7 at 8, bawal nang bumiyahe • Pagbubukas ng ilang ruta simula sa Lunes, ikinatuwa ng mga tsuper • Mga nagtitinda ng school supplies sa divisoria, mas maagang naghanda para sa inaasahang dagsa ng mga mamimili • Pagkakaroon ng bike rack at shower areas sa mga eskuwelahan at unibersidad, iminumungkahi ng DOTr • Pangulong Marcos: Bakuna na target ang omicron variant ng COVID-19 virus, pinag-aaralan na ng Pilipinas | Pangulong Marcos: State of public health emergency dulot ng COVID-19, malamang ay manatili hanggang katapusan ng taon • 7-anyos na babae, natagpuang patay at nakagapos sa loob ng sako | 14-anyos na suspek, sumuko sa mga pulis • Lalaki, patay matapos pagsasaksakin; anak, sugatan | Kotse, nawasak matapos sumalpok sa likod ng truck; 4 patay • Panayam kay Sen. Ronald dela Rosa • Ilang sped center, handa na sa face-to-face classes sa pagbabalik-eskuwela sa Lunes | Face-to-Face classes para sa sped students, mas pinapaboran ng mga magulang at guro • 'MavLine' at 'Ruca,' nag-double date sa kanilang night work-out session