Dumating kahapon, April 24, 2022, ang reigning Miss Universe na si Miss India Harnaaz Sandhu.
Sinundo siya ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis "Chavit" Singson at anak nitong si Architect Richelle Singson-Michael sa India sakay ng kanilang 12-seater private jet na Air Beauty One.
Pagdating sa Platinum Skies Hangar, sa Domestic Airport Compound, Pasay City, nagpaunlak naman ng maikling interview sa media and pageant vloggers si Harnaaz at ang mag-amang Singson.
Kabilang sa mga natanong sa model-actress turned beauty queen ay kung ano ang hinahanap niya sa susunod na Miss Universe Philippines winner.