Sumabak ang first PEP Spotlight featured celebrity na si @Sanya Lopez sa aming "PEP Challenge" na "Sanya's Firsts."
Tinanong ng host na si Jimpy Anarcon ang ilang mga first ng bida ng First Yaya.
Kabilang dito ang pinakaunang showbiz event na in-attend-an niya kunsaan, hindi pa siya artista pero may mga fan na nagpa-picture sa kanya dahil napagkamalan siyang isang Kapuso young actress.
Naibahagi rin ni Sanya na dalawang Kapamilya stars pala ang kanyang unang showbiz crushes.
Panoorin ang video para malaman kung sino ang mga ito at kung sino ang artistang naipagkamali sa kanya.
Para sa full PEP Spotlight interview ni Sanya, i-click ang link na ito: http://bit.ly/SanyaLopezPEPSpotlight