Sa PEP Exclusives interview ni Mariel Rodriguez sa staff ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isa sa mga napag-usapan ay ang fame na natatamo niya ngayon bilang isang live seller.
Nagbebenta si Mariel ng kanyang pre-loved luxury items na katulad ng signature bags, shoes, at accessories sa kanyang live selling.
Gustung-gusto ng netizens ang pagiging masayahin at bibong paraan ni Mariel ng pagbebenta at pakikipag-interact sa mga nanonood ng kanyang live selling.
Tinanong ng PEP.ph deputy lifestyle editor na si Nikko Tuazon si Mariel kung sino ang nag-inspire sa kanya na pasukin ang live selling.
Panoorin ang video para malaman ang kanyang sagot.
Abangan ang iba pang interviews ni Mariel sa PEP.ph at sa PEP TV.