"Oh, my gosh, nakakatakot!" ang nasambit ng Metro Manila Film Festival 2020 Best Actress na si Charlie Dizon nang hingin ang tatlong dream leading men niya.
Isa ito sa mga tanong sa Star Magic contract artist sa "PEP Challenge" segment ng PEP Live nang mag-guest ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) livestream show kahapon, December 30.
Bago nito, may mga nabanggit na ang Fan Girl star sa host na si Jimpy Anarcon tungkol sa hinahangaan niyang mga aktor.
Hindi ito pinasama ni Jimpy sa three dream leading men ni Charlie.
Puwera rin ang mga aktor na nakatrabaho na ng Kapamilya actress sa mga pelikula at teleserye kunsaan lumabas ito.
Una sa three leading men na nabanggit niya ang isang award-winning actor na kahit kakilala naman niya ay aminado si Charlie na kinakabahan daw siya kung sakaling makakapareha niya.
Panoorin ang video kung sino ang aktor na tinutukoy ni Charlie at ang dalawa pang dream leading men niya.
Para sa kumpletong PEP Live interview niya, i-click ang link na ito: http://bit.ly/CharlieDizonOnPEPlive