RTx: OFW NA "MASTER CHEF," NAMIMIGAY NG GULAY AT RELIEF PACKS SA MGA KAPWA PILIPINO SA FRANCE

  • 4 years ago
Bilang dating undocumented na OFW, nababagabag ngayon ang chef sa France na si Wilson Paguyo kung paano nabubuhay ang kanyang mga kapwa OFW sa bansa. Dahil daw sa kakulangan ng suporta ng gobyernong Pilipino sa mga OFW, naisipan niyang magsimula ng isang bayanihan — ang "Gualy for a Cause" program. Nagtitinda siya ng gulay gamit ang social media at ang kinikita rito, pinambibili niya ng bigas, gulay at iba pang pagkain na ipinamimigay niya sa kanyang mga kapwa OFW sa France! Panoorin ang nakakahangang kuwento ng bayanihang Pilipino sa video.