Off-duty FBI agent, niligtas ang mga tao sa isang high school reunion shooting sa Chicago!

  • 9 years ago
Off-duty FBI agent, niligtas ang mga tao sa isang high school reunion shooting sa Chicago!

Ex-husband, nagsagawa ng shooting spree sa isang high school reunion, bago siya napatay ng isang off-duty FBI agent!

Nakaka-stress ang mga high school reunions, pero ang reunion na ito sa Illinois ay nakaka-stress sa ibang level.

Si Lori Moore at ang kanyang boyfriend na si Lance Griffel ay nagpunta sa kanyang 15-year high school reunion sa isang East Peoria sports bar noong isang linggo.

Ang hindi nila alam, ay nasa labas ang ex-husband ni Lori na si Jason Moore. Hiniwalayan siya ni Lori noong 2013.

Pumasok sa bar si Jason, at sa harap ng isang daang tao, binaril niya si Lori at Lance, point-blank range.

Isa sa mga customer sa sports bar ay nagkataong isang off-duty FBI agent na may dalang armas -- at hiniling na manatiling anonymous.

Nagdesisyon siyang kumilos bago may iba pang masaktan, at binaril niya si Jason Moore, na namatay.

Namatay sa ospital si Lori Moore at Lance Griffel, ilang oras matapos ang shooting. Si Jason Moore ay nakumpirmang patay sa eksena.

Pinuri ng local police chief ang FBI agent, na nakatulong sa pag-iwas sa isang mas malaking trahedya.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended