Nurse, niligtas ang isang lalaking binubogbog ng isang grupong tao sa Detroit!

  • 9 years ago
Nurse, niligtas ang isang lalaking binubogbog ng isang grupong tao sa Detroit!


Nurse na may baril, niligtas ang isang lalaki mula sa isang grupong tao sa Detroit!

Maaring naligtas ng nurse na si Deborah Hughes ang buhay ni Steve Utash, matapis niyang iharang ang kanyang katawan sa katawan ng lalaki, sa isang mob attack sa Detroit.

Ang 54-year-old na si Utash ay pinahinto ang kanyang truck, matapos niyang aksidenteng mabangga ang isang 10-year-old na batang lalaki.

Narinig ng retired nurse ang aksidente ay tumakbo sa bintana para makita ang mga pangyayari.

Tumakbo si Utash para i-check ang kalagayan ng bata, at doon siya ninakawan ng wallet at brutal na binugbog ng iilang mga lalaki.

Kinuha ni Hughes ang kanyang handgun, inilagay ito sa bulsa ng kanyang jacket, at tumakbo papunta sa eksena.

Tinulak niya ang mga taong nakapaligid kay Utash, at hinarang niya ang kanyang katawan sa katawan ni Utash, at sinamahan niya ito hanggang sa dumating ang tulong.

Si Utash ay nawalan ng malay sa pambugbog, pero siya ay buhay, salamat kay Hughes.

Si Utash ay nanatili sa isang medically-induced coma, pero unti-unting napapabuti ang kanyang kalagayan, ayon sa kanyang pamilya.

Limang tao ang naaresto dahil sa bayolenteng pag-atake kay Utash, na pinaniniwalaang isang hate crime.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended