Chinese na magnanakaw, nahuli dahil naiwan ang putol na daliri sa eksena!

  • 9 years ago
Chinese na magnanakaw, nahuli dahil naiwan ang putol na daliri sa eksena!

Dalawang tatanga-tangang magnanakaw mula sa Xiamen, sa Fujian Province sa China, ang naaresto matapos nilang ibalik ang iilang mga dokumento sa isang taong ninakawan nila ng cell phone at wallet.

Isa sa mga magnanakaw ang sinubukang pasukin ang bahay ng kanilang biktima, para ibalik ang mga ID nito.

Pero nagising ang lalaki, na hinabol ang magnanakaw pababa sa hagdanan, kung saan nahulog ang palpak na kriminal.

Tinulungan ng isa pang magnanakaw ang kanyang kaibigan, pero nakagat at naputol ng may-ari ng bahay ang daliri nito.

Nakatakas ang mga magnanakaw, pero naiwan ang daliri.

Dahil sa daliri ay nahuli ng pulis ang mga magnanakaw sa loob ng isang linggo. Ang palpak na mag-partner na ito ay nakakuha lamang ng 4,000RMB, na hindi pa sapat para ipambayad sa kanilang medical treatment.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH