VIDEO: Magnanakaw, binaril sa ulo ang isang lalake, at masayang tumakas mula sa eksena!

  • 9 years ago
VIDEO: Magnanakaw, binaril sa ulo ang isang lalake, at masayang tumakas mula sa eksena!


Indianapolis gas station clerk, binaril sa ulo ng isang magnanakaw.

Isang walang-awang magnanakaw ang binaril ang isang gas station clerk sa ulo, bago siya masayang tumakas mula sa eksena.

Nagsimula ang shooting sa gas station na itpo, 10:15 ng gabi. Nai-record ng mga camera sa loob at labas ng convenience store ang buong pangyayari.

Ang nasaktan na store clerk na si Herry Briggs ay apat na araw pa lang na nagta-trabaho, nang isang African-American na lalaking nasa kanyang late teens hanggang early 20s, na may itim na bandannang nakatakip sa kanyang mukha, at nakasuot ng Miami Heat na sombrero, ang pumasok sa tindahan.

Ginamit niya ang isang sapatos para manatiling bukas ang pinto. Dala ang isang handgun, nilapitan niya si Briggs at tatlong beses na nagpaputok ng baril.

Isnag bala ang tumama sa ulo ni Briggs, na nahulog sa sahig, habang humingi ng pera ang gunman mula sa isa pang employado.

Mabilis na natapos ang insidente. Nai-record ng isang camera sa labas ng tindahan ang gunman, na masayang nag-skip paalis mula sa eksena.

Ang 44-year-old na clerk ay kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa Eskenazi Hospital.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH