Magnanakaw, nilunok ang dalawang ninakaw na kwintas pero nahuli pa rin ng pulis!

  • 9 years ago
Magnanakaw, nilunok ang dalawang ninakaw na kwintas pero nahuli pa rin ng pulis!

Nilunok ng isang lalake ang dalawang kwintas na kanyang ninakaw mula sa isang bahay sa Florida. Hindi na sana ito nahanap, pero kinailangan niyang magpa-X-ray matapos siyang maaresto, at bago siya ikulong.

Ang suspect na si Joseph Ramos ay pumasok sa isang bahay, noong Miyerkules ng umaga. Nagnakaw din siya ng sasakyan mula sa garahe.

Si Ramos ay naaresto rin sa araw na iyon, matapos siyang sitahin ng pulis sa kaskaserong pagmamaneho, at nalaman nilang ninakaw niya ang kotse.

Habang si Ramos ay pino-proseso bago ikulong, natagpuan ng pulis sa kanyang X-Ray ang kanyang nilunok na mga kwintas.

Matapos umamin sa kanyang pagnakaw at paglunok sa mga pulis, dinala si Ramos sa ospital para ma-operahan siya at makuha ang mga kwintas mula sa kanyang tiyan.

Ang mga nanakaw ay naibalik din sa may-ari. Si Ramos ay nakasuhan ng felony burglary at tampering with physical evidence.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH