Lalaki, binangga ang kotse sa mga taong nakapaligid sa isang murder scene sa Texas!
  • 9 years ago
Lalaki, binangga ang kotse sa mga taong nakapaligid sa isang murder scene sa Texas!


Lalake, binangga ang kanyang kotse sa isang grupong tao sa isang murder scene!

Ang ama ng isang accused killer ang nagdesisyong imaneho ang kanyang kotse, sa isang grupong taong nakatayo sa isang crime scene, kung saan may pinatay diumano ang kanyang anak noong Miyerkules.

Ayon sa mga report, may deadly shooting na naganap, 12:30 ng hapon, sa labas ng isang complex sa Houston, Texas. Ang 20-year-old na si Demarkus Harrison ay namatay, at isa pang tao ang nasaktan.

Pagdating ng pulis, para i-setup ang crime scene, at nagsidatingan na rin ang mga news reporters, isang kapitbahay ang nakunan ng video na naghagis ng bisikleta sa kotse ni Louis Dante Anthony III.

Dito na nawalan ng kontrol si Anthony, na minaneho ang kanyang kotse sa mga taong nakapaligid sa crime scene. Ang fiancée ni Anthony na si Deshonna Smith, ay nakasakay sa passenger seat.

Buti na lang at walang nasaktan.

Bumaba mula sa kotse si Anthony, at kinailangangan kunin ni Smith ang manibela para ma-kontrol ang pag-andar ng sasakyan.

Napabagsak ng pulis si Anthony sa kalsada.

Kausap ang isang reporter, sinabi ni Smith na ang pagkilos ni Anthony ay nasa self-defense, dahil pinupuna siya ng lahat ng tao; binabantaan daw siya ng pamilya ng biktima, at siya rin ay nasuntok ng isang lalake sa mukha.

Sabi pa ni Smith, nasakop ng demonyo ang buong complex, at ito ngayon ay playground ni Satanas.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended