Lalaki, nakasuhan ng attempted murder dahil mahilig mambato ng mga kotse!
  • 9 years ago
Lalaki, nakasuhan ng attempted murder dahil mahilig mambato ng mga kotse!


Isang lalaking walang trabaho, na nasa 30s ang edad, ay naaresto noong Martes, at nakasuhan ng attempted murder. Si Masanori Kimura ay naakusahan ng paghagis ng mga bato sa siyam na sasakyan, at nakasakit ito ng isang babaeng driver.

Ang nasaktan na babae ay nasa 40s ang edad, at nagmamaneho sa Saitama perefectural highway sa Japan, noong Martes. Pagdaan niya sa isang lalaking nakasakay sa isang scooter, na papunta sa kabilang direksyon, bigla itong naghagis ng bato sa kotse ng babae! Nabasag ang windshield, at natamaan ang mukha ng babae.

Ang suspect na si Kimura ay nakatanggap na ng warning mula sa pulis, labing-walong buwan nang nakalipas, dahil nagtapon ito ng sandals sa isang umaandar na kotse. Siya ay naaresto at umamin sa kanyang krimen, at sinabing nakatama siya ng siyam na kotse mula sa kanyang scooter, dahil nakakatuwa dawn a manakot ng mga drivers.

Ang mga taong walang magawa, wala talagang nagagawang mabuti...



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended