Lalaki, tinangkang patayin ang asawa, dahil mahilig itong magsara ng bintana!

  • 9 years ago
Lalaki, tinangkang patayin ang asawa, dahil mahilig itong magsara ng bintana!


Lalaki, sinubukang patayin ang kanyang asawa, dahil sinara nito ang bintana!

Isang Taiwanese na lalaki ang naaresto para sa attempted murder ng kanyang asawa, sa Taichung, Linggo ng umaga Ang 49-year-old na si Hsu, at ang kanyang 48-year-old na asawa ay dalawampung taon nang kinasal, at may dalawa silang anak. Pero hindi sila masaya, at madalas silang mag-away, lalo na pagdating sa titulo ng kanilang lupa.

Pagdating ng pulis sa bahay ni Hsu, Linggo ng umaga, ang buong bahay ay puno ng gas, at si Hsu ay sisinda sana ng sigarilyo! Mabilis siyang pinigilan ng pulis. Ayon sa asawa ni Hsu, nagising siya ng mga 'hissing sounds,' at nakita niya ang isang tubo na nasa ilalim ng kanyang pinto. Sinigaw daw ni Hsu na gusto niyang mamatay kasama ang kanyang asawa! Tumakbo ang asawa ni Hsu sa kuwarto ng kanyang mga anak at humingi ng tulong. Pero inakala ng mga bata na isa na naman itong away sa pagitan ng kanilang mga magulang, at hindi nila pinansin ang kanilang ina.

Naalala ng asawa ni Hsu, na si Hsu ay nag-order ng dalawang ekstrang bote ng gas, noong isang araw. Ayon kay Hsu, naisip niyang patayin ang kanyang asawa dahil ang pagsara nito ng bintana sa gabi ay nakakagambala sa kanyang pagtulog, at gusto lang daw niyang takutin ang babae.

Sampung taon nang nakalipas mula nang nag-file ng domestic violence report ang asawa ni Hsu laban sa kanya, pero ayon kay Hsu ay pinatatahimik lang niya ang kanyang napaka-'wild' na asawa. Si Hsu ay naaresto para sa attempted murder.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended