Lalake sa Utah, binangga ang isang kotse para maligtas ang buhay ng mga bata!
  • 9 years ago
Teenager, nangnakaw ng kotse at nag-joyride sa isang park na puno ng mga bata!

Muntikan nang mauwi sa patayan ang isang high-speed chase, na nagsimula nang ninakaw ng isang 14-year-old na batang lalake sa Utah ang kotse ng kanyang lolo, at nagpahabol sa pulis sa isang tahimik na residential neighborhood.

Nagpunta ang pulis sa Founders Park, dahil sa isang tip, isang daang milya ang layo mula sa lugar kung saan nanakaw ang kotse.

Hinabol ng pulis ang teenager, pero napilitan silang huminto nan gang suspect ay biglang niliko ang kotse sa isang park, kung saan muntikan na siyang makabangga ng mga maliliit na bata. Pero hindi bumagal ang pag-andar ng kotse, at dumiretso ito sa isang nalalapit na residential area.

Nang paliko ulit ang kotse sa park, mabilis na nag-react ang isang magulang na si Bryson Rowley, na binangga ang kanyang truck sa kotse ng suspect para mapahinto ito.

Sa lakas ng impact ng truck sa kotse, ay napalipad ang buntot nito.

Nagpasalamat ang pulis sa pagligtas ni Rowley sa buhay ng mga bata sa park. Ang teenage driver ay dinala sa nalalapit na juvenile detention center.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended