Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Provincial innovation hub ng DOST sa Agusan del Sur, binuksan na; DOST Sec. Solidum, iginiit na mahalagang maabot ng science at technology ang mga komunidad | ulat ni Fyl Goloran - PTV - Agusan del Sur

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, ang bagong Provincial Innovation Hub binuksan sa Agusan del Sur,
00:04DOSC Secretary Renato Solidum Jr. binigyan diin ang kahalagahan na mailapit sa mga komunidad ang agham at teknolohiya.
00:13Si Phil Guloran ng PTV Agusan del Sur sa Sentro ng Balita.
00:18Bumisita sa Agusan del Sur si Department of Science and Technology Secretary Dr. Renato Solidum Jr.
00:24para pangunahan ang formal na paglulunsad ng Provincial Innovation Hub na itinayo sa Patinay Prosperidad.
00:31Ang kanyang pagbisita ay bahagi ng selebrasyon ng 2025 Regional Science, Technology and Innovation Week ng Caraga Region,
00:39kung saan binigyan diin ang kalihim ang layo ng DOSC na ilapit ang agham at teknolohiya sa mga lokal na komunidad, lalo na sa mga nasa laylayan.
00:49Yung may mga interesado na mag-adapt ng mga technology, pwede silang lumapit sa DOSC.
00:54Kung meron silang kasalukuyang ginagawa, kunyari, micro-small and medium enterprises,
01:01kailangan nila ng machine.
01:02Pwede silang lumapit sa Provincial Science and Technology Office at makipag-usap.
01:10Kasi meron din tayong binibigay na pondo para makabili ang ating mga MSME na mga makina para sa kanilang negosyo.
01:20Ayon sa kalihim, ang mga Innovation Hub ay mahalagang mekanismo upang masuportahan ang mga kabataang innovator,
01:27maliliit na mga negosyante at mga lokal na embintor na nais gamitin ang agham at teknolohiya
01:33para makabuo ng mga solusyon sa problema ng kanilang komunidad.
01:38Hinikayat din niya ang mas malawak na partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan at sektor
01:42pagdating sa innovation sa reyon.
01:44Kasabay ng pagbisita ni Solidum ay ang paglagda ng kasunduan sa pagitan ng DOST
01:49at mga lokal na stakeholders na naglalayong palakasin ang teknikal at pang-innovasyong suporta sa buong lalawigan.
01:56Sa pamamagitan ng Provincial Innovation Hub, inaasang mas marami pang proyekto sa research and development,
02:04product prototyping, trainings at mentorship ang maisasagawa para matulungan ang mga MSMEs at local innovators sa Agusa Nilsur.
02:12And we believe in the Provincial Local Government Unit that only through partnerships between or among local and national languages of governing
02:22can our people can truly harvest the efforts of the government.
02:30Hindi naman kaya ng Provincial Hub.
02:32Hindi rin kaya ng National Line Agency Hub.
02:35Dapat tayo yung magkaisa.
02:37Ang amang Innovation Hub is gituyo ni siya nga i-host sa mga Provincial S&T Office.
02:42Kay kani is para sa atong mga estudyante, atong mga business people,
02:47ang ilang nga idea, gitrain me sa DOST na karun, ongoing na may facility kung aha, maka-add to ang mga MSMEs,
02:54ato ang mga estudyante, o kung kinsaman mga LGU, kung naasile problema, pwede may makatabang.
02:59Sa huli, sinabi ng Sekretary Solidum na ang pagbubukas ng Innovation Hub ay isang hakbang tungo sa isang mas matatag,
03:07matalino at makabagong probinsya, kung saan ang agham at teknolohiya ay nagsisilbing katawang ng mamamayan sa pag-unlad.
03:15Phil Guloran ng PTV Agusan del Sur para sa Babansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended