- yesterday
-Pag-aangkat ng bigas, inirerekomendang ipatigil ng Dept. of Agriculture; taripa sa imported na bigas, nais ding taasan
-PAGASA: LPA sa Pacific Ocean, posibleng pumasok sa Ph Area of Responsibility; mababa ang tsansang maging bagyo
-Big-time oil price hike, ipatutupad bukas
-8 kabilang ang 1 menor de edad, nasagip sa 2 KTV Bar na nagsasagawa umano ng prostitusyon tuwing gabi
-Ilang senador, nais hintayin ang paghain ng Motion for Reconsideration ng Kamara sa Korte Suprema
-Batanes PDRRMO: Supply ng bigas at iba pang produkto sa Itbayat, nagkukulang na dahil sa masamang panahon
-2, sugatan matapos mabagsaka ng puno ang isang closed van sa Brgy. San Rafael
-QCESD: Kaso ng leptospirosis sa Quezon City, sumipa kasunod ng isang linggong pag-ulan noong Hulyo
-Pinoy Boxer Jerwin Ancajas, panalo kay Ruben Casero ng Uruguay via majority decision
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-PAGASA: LPA sa Pacific Ocean, posibleng pumasok sa Ph Area of Responsibility; mababa ang tsansang maging bagyo
-Big-time oil price hike, ipatutupad bukas
-8 kabilang ang 1 menor de edad, nasagip sa 2 KTV Bar na nagsasagawa umano ng prostitusyon tuwing gabi
-Ilang senador, nais hintayin ang paghain ng Motion for Reconsideration ng Kamara sa Korte Suprema
-Batanes PDRRMO: Supply ng bigas at iba pang produkto sa Itbayat, nagkukulang na dahil sa masamang panahon
-2, sugatan matapos mabagsaka ng puno ang isang closed van sa Brgy. San Rafael
-QCESD: Kaso ng leptospirosis sa Quezon City, sumipa kasunod ng isang linggong pag-ulan noong Hulyo
-Pinoy Boxer Jerwin Ancajas, panalo kay Ruben Casero ng Uruguay via majority decision
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00To be continued...
00:30Ngayong umaga, bumiain na pa New Delhi si Pangulong Bongbong Marcos kasabay ng state visit ng Pangulo roon ang ikapitumputlimang anabersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at ng India.
00:46Mga kapuso, isang bagong low-pressure area ang binabantayan sa Pacific Ocean.
00:52Namataan yan ang pag-asa 1,095 kilometers silangan ng Eastern Visayas.
00:56Mababa ang tsansa nitong maging bagyo sa loob ng 24 oras pero posibleng pumasok pa rin po ng Philippine Area of Responsibility.
01:05Sa ngayon, hanging habagat ang umiiral sa extreme northern Luzon.
01:10Maayos ang magiging panahon sa halos buong bansa, maliban sa Batanes at Mabuyan Islands na uulanin dahil pa rin sa habagat at sa iba pang lugar dahil po sa local thunderstorm.
01:20Ito na ang beep-beep-beep natin sa mga motorista.
01:29Big time oil price hike ang ipatutupad ng ilang kumpanya ng langisimula po bukas.
01:34Batay sa anunsyo ng ilang oil companies, halos 2 pesos ang dagdag sa kada litro ng gasolina,
01:391 peso and 20 centavos naman ang taas presyo sa diesel.
01:43Habang sa kerosene, may dagdag na 1 peso sa kada litro.
01:46Panibagong hike yan sa gasolina kasunod ng rollback noong nakaraang linggo.
01:51Ikaapat na sunod na linggo ng hike naman yan para sa diesel at sa kerosene.
01:59Sinalakay ang dalawang establishmento sa Quezon City na canteen sa umaga,
02:02pero prostitusyon naman o ang inilalako tuwing gabi.
02:06Walong babae ang nasagip kabilang ang isang minor de edad.
02:10Balitang hatid ni James Agustin.
02:12Nang matanggap ang hudyat na nagpositibong entrapment operation,
02:19agad pinasok ng pulisya ang dalawang magatabing KTV bar sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
02:24Inabutan pa ang mga customer na nasa loob kasama ang ilang babae.
02:28Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon na may nangyayari umanong prostitusyon sa lugar.
02:32Andak po kami ng casing and surveillance na halos isang buwan at na makumufirma po namin na
02:38ang impormasyon, kinisa po namin itong entrapment operation.
02:41So initially po may dalawang libo ang hinihingi ng empleyado, pero naibabaan po ng 1,500, kapilit po ng dagdag na servisyo.
02:50Umaga po ang front niya is canteen, pero nakoconvert po siya ng bar sa gapi.
02:54Nasagip ang walong babae na nagtatrabaho sa bar.
02:57Ang isa sa kanila ay 13 anyos lang, habang ang iba ay 18 hanggang 25 anyos.
03:02So kasama po siya ng social workers natin ng Social Services Development Department ng Quezon City,
03:07ay sinama po natin sila dito sa istasyon para pakainin at mahingan po ng dagdag informasyon.
03:13Pagkatapos po ay tinurn over po sa inter-agency council against trafficking para mag-undergo ng counselling.
03:19At ito ba pang intervention?
03:20Arestado naman ang babaeng may-ari ng bar, isang babaeng empleyado at dalawang lalaking empleyado.
03:26Tumaging magbigay ng payag ang dalawang babaeng sospek.
03:28Ang dalawang lalaking sospek ay giniit na walang prostitusyon na nangyayari sa bar.
03:32Wala po sir, yung isa po doon nag-aalaga ng bata po.
03:35Nadamay lang po siya, ginising po siya sa taas.
03:39Yan lang po sir.
03:39E kayo ba't po kayo in-arist?
03:41Yan nga po sir, nadamay din po ako. May nakuha sa kang pera, pambayad po ng alak po yun.
03:46Kala niya po sa babae po yun.
03:48Wala lang po kayo, May.
03:50Nung pagkakataon lang po na na-raid kami, ano po yun?
03:55Biglaan po yun.
03:56Nabigla po ako kasi mag-isa lang po ako waited sa taas.
04:00Mahabala po kasi ako kasi wala yung cashier namin.
04:04Ayon sa pulisya, hindi ito ang unang beses na may nasagip silang minor de edad na nagkatrabaho sa bar sa Commonwealth Avenue.
04:10Noong July 2, 2025 na po ay nagkaroon na rin na tayo ng narescue na dalawang minor de edad na kung saan po sinabi nila na may informasyon na.
04:18Hinihingi rin po kapag may hinihingi mga kailangan na babae sa mga ibang bar ay doon din po sila dinadala.
04:24Sinampana mga naresong sospek na reklamong paglabak sa Expanded Anti-Trafficking in-Person Act o 2022.
04:32James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:35Bago ang pagtalakay ng Senado sa Impeachment, Vice President Sara Duterte sa miyerkules,
04:47tingin ang ilang senador dapat hintayin muna nilang maghain ng motion for reconsideration ang Kamara,
04:53kaugnay sa desisyon ng Korte Suprema.
04:56Para naman kay Senador Rodante Marcoleta, hindi na magbabago ang isip ng Korte.
05:02Balitang hatid ni Mav Gonzalez.
05:05Bago patalakay ng Senado ang ruling ng Korte Suprema sa Impeachment ni Vice President Sara Duterte,
05:13tingin ni Senador Loren Legarda, mas mainam hintayin muna ang ihahaing motion for reconsideration ng Kamara.
05:20Dapat daw magkaroon ng due process. Ano man ang personal na paniniwala sa issue.
05:24We should not decide prematurely until the House of Representatives had exhausted all legal remedies.
05:34Rinerespeto ko ang naging ruling ng Supreme Court. May MR na hahain. We'll take it from there.
05:43Sa pagkakatanda raw ni Legarda, dapat mag-convene sila ulit bilang Senate Impeachment Court para talakayin ito.
05:49I'm not certain that was discussed in the caucus, but if I'm not mistaken, in the previous Congress, there was a commitment to reconvene as an impeachment court in the new Congress.
06:03Pero kung si Senador Rodante Marculeta ang tatanungin, bakit pa raw maghihintay ng motion for reconsideration?
06:10Noong magkokos ang mga senador noong Martes, tinanong niya raw ang mga kapwa senador kung tingin nila may kahit isang Supreme Court Justice na magbabago ang isip dahil sa MR.
06:20Bakit paan niya sila maghihintay sa wala?
06:22Sa tagal na raw niyang litigation lawyer, pag ganito ang tenor ng desisyon at sinabi pa ng Korte Suprema na immediately executory,
06:31ang ibig sabihin daw nito ay sinasara na lahat ng pintuan para mag-motion for reconsideration.
06:37Dagdag ni Senador Bato de la Rosa, base sa desisyon ng mayorya ang mga aksyon ng Senado at napagkasundoan nila ang August 6.
06:44Kung baguhin man aniya ng Korte Suprema ang desisyon nito dahil sa MR ng Kamara, palagay niya ay pwede rin baguhin ang Senado ang desisyon nila.
06:53Wala raw dapat ipag-alala rito ang Kamara.
06:57Sinusubukan pang makuha ang reaksyon dito ng Kamara.
07:00Bagamat nauna na silang naghayag ng pangamba na baka pagbotohan ng Senado ang impeachment ruling ng Korte Suprema
07:06nang hindi pa nahihintay ang kanilang ihahahing MR bago mag-August 9.
07:11Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:14Ito ang GMA Regional TV News.
07:21Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
07:26Nagkakaubusan na raw ng supply ng pagkain at iba pang pangangailangan sa Itbay at Batanes.
07:31Chris, paano naman yun at naging parang concern yan?
07:37Tony, ayon sa Batanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office,
07:42dahil yan sa nagpapatuloy na masamang panahon doon.
07:45Karamihan kasi sa mga supply sa Itbay at galing sa basko na dinadal roon sa pamamagitan ng bangka o eroplano.
07:52Pero dahil maalo ng dagat, pahirapan ang pagbiyahe.
07:55Mahigit dalawang linggo nang umuulan sa probinsya.
07:58Kulang na ngayon ang supply ng digas, mais at feeds.
08:02Halos wala na rin daw laman ng produktong petrolyo sa mga gasolinahan.
08:06Inaasa ang makapaghatid ng relief goods ang nakatakdang missionary flight ng Philippine Air Force patungo sa basko.
08:14Nabagsak naman ng puno isang closed van sa barangay San Rafael sa Rojas, Isabela.
08:19Ayon sa mga otoridad, binabagtas ng van ang National Highway ng bumagsak at tumama sa windshield ang sanga ng puno.
08:26Wasak ang unah bahagi ng sasakyan, sugatan ng driver at kanyang pasahero.
08:31Ayon sa pulisya, natumba ang puno dali sa paglambot ng lupa, bunsod ng sunod-sunod na pagulan sa lugar at sa posibleng katandaan nito.
08:46Ikinaalarman ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang biglang pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa lungsod.
08:52Ayon sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division,
08:5743 ang naitalang bagong kaso ng leptospirosis mula July 24 hanggang July 30.
09:04Kasunod po yan ng halos isang linggong pag-uulan noong nakaraang buwan.
09:08Halos 200 kaso na ang naitala sa lungsod ngayong taon.
09:13Mas mataas po yan ng 23% kumpara sa parehong panahon noong 2024.
09:18Ayon sa QCESD, karamihan sa mga tinamaan ng sakit ay dahil sa paglusong sa marumih at kontuminadong tubig gaya po ng baha.
09:29Nananatini namang nakaalerto ang Department of Health na nakapagtala ng mahigit 3,000 kaso ng leptospirosis sa bansa mula January hanggang July 19.
09:39Mga kapuso, nakamamatay po ha ang leptospirosis at hindi ito dapat baliwalain.
09:46Paalala ng kagawaran kung hindi maiwasang lumusong sa baha o galiing magsuot ng bota at kapote.
09:52Uminog din po kayo ng prophylaxis na libre namang makukuha sa inyong mga health centers.
09:58At syempre, agad na kumonsulta sa doktor.
10:01Panalo via majority decision si Pinoy boxer Jerwin Angkaha sa kanyang pagbabalik ring sa Amerika.
10:12Nakalaban na Jerwin si Roben Casero ng Uruguay sa Long Beach, California.
10:17Bumoto pabor kay Jerwin ang dalawang judge habang draw naman ang boto ng isa pa.
10:21Dahil sa bagong panalo, meron ng 36 wins si Jerwin sa kanyang professional record.
10:2724 dyan ang knockout.
10:3125 dyan ang makukuha sa kanyang pagbabalik ring sa kanyang.
Recommended
19:40
|
Up next
48:14
11:02
14:33
11:55
11:22
18:10
14:46
20:36
10:13
17:03