Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa September 1, nakatakdang maglabas ang DILG ng final version ng mga polisiya sa isinusulong na regulasyon sa street parking.
00:09Ang nais dito ni DILG Secretary John Vic Remulia bawal magpark sa mga pampublikong kalya sa Metro Manila
00:15mula alas 5 ng madaling araw hanggang alas 10 ng gabi, kabilang ang mga maliliit na kalsada o tertiary roads.
00:22Damay kung sakali ang mga sasakiyang nakapark sa tapat ng bahay ng may-ari.
00:25Isa sa mga apektado niyan ay si Joseph na nakaparada sa tapat ng bahay sa Quezon City
00:30ang apat na sasakyan na pinapasada bilang school service at gamit sa ibang negosyo.
00:36Wala kasing parking eh. Tapos yung one-side parking lang talaga dito.
00:40Tapos sabi niyo nga po one-way naman?
00:42One-way. One-way ma'am. Tsaka walang kasalubong.
00:47May mga nakikipark din sa kanila kapag kakain.
00:49Pag bawal na mag-parking sa street, hindi na kami makakakuha ng customer na siyempre matatakot sila.
00:57Baka maulay, matikitan.
01:01Mahihirapan niya daw si Raya na sa kalsada rin ipinapark ang pinapasadang taxi.
01:06Sumusunod naman daw sila sa sinabi ng barangay na one-side street parking lang.
01:10Baka pwede naman sa ibang side na pwede mag-park yung ibang sasakyan
01:15or depende sa pinaka-highway na lang, tanggalin nila yung pinaka-yung nagpa-park na.
01:20Panukala naman ni MMDA chairman Don Artes tuwing rush hour na lang
01:24o tuwing alas 7 hanggang alas 10 ng umaga at alas 5 hanggang alas 8 sa gabi ipatupad ang ban.
01:30Tutol naman ang Lawyers for Commuter Safety and Protection o LCSP sa de oras na ban.
01:35Dapat daw, total ban.
01:38Sagabal daw kasi ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa daloy ng trapiko lalo na sa emergency services.
01:44Hiling naman ang Automobile Association of the Philippines sa pamahalaan
01:48maghunus dili sa pagpapatupad ng ban.
02:00Dapat daw magkaroon muna ng parking facilities,
02:03lalot marami raw bahay, apartment o establishmentong naitayo na ang walang sariling parking area.
02:14Local government ng mga parking buildings or parking lots.
02:20Kasi saan pa-park yung ano, nabili na nila yung kotse.
02:23Pero nakatira na sila sa isang apartment na wala namang parking.
02:28So, ano magyayari?
02:30Noong 2022, ipinanukalan ni Marindu kay Rep. Lord Alan J. Velasco
02:36na i-require sa pagpaparehisto ng sasakyan na magkaroon muna dapat ng sariling parking space.
02:42Ngayong 20th Congress,
02:44naghain ng parehong panukala si Capiz 2nd District Rep. Jane Castro.
02:48Para naman kay Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora,
02:52supportado nila ang panukalang ito ng DILG.
02:55Pero sana raw, huwag sa lahat ng kali ipagbawal ang parking.
02:58Yung mga kalya na hindi naman natin matuturing main roads o secondary roads
03:03at yung mga kalya na hindi naman pagbahagin ng mabuhay lanes,
03:07maaaring minsan po ay one-side parking,
03:10maaaring minsan po ay oras lamang ang pagparada.
03:15Mainam daw kung hahayaan ang LGU na maglatag muna ng panukala sa mga kalya sa kanika nilang lungsod.
03:21Yan din naman daw ang plano ng MMDA na isang buwan daw pag-aaralan ng panukalang ito.
03:25Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.

Recommended