Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Lumobo na sa P17.27T ang utang ng Pilipinas. Puna ng isang ekonomista, gumagastos pa rin ang gobyerno na parang may pandemya.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lumobo na sa mahigit 17 trilyong piso ang utang ng Pilipinas.
00:07Una ng isang ekonomista, gumagastos pa rin ang gobyerno na parang may pandemia.
00:14Ang tugon dyan ng gobyerno at kung may balak bang magdagdag ng buis.
00:18Sa pagtutok ni Maris Umani.
00:25Nakalulula na ang lagpas 17 trilyong piso ang utang ng Pilipinas.
00:29Kung pagbabayarin ang bawat Pilipino, lalabas na bawat isa meron ng 153,000 pesos na utang.
00:37At ang perang ibabayad ng gobyerno sa utang at interes nito,
00:40naka-aagaw sa mga programa at servisyo para sa taong bayan.
00:44It is always a concern and that's why we're reducing the deficit and making the economy grow at a faster rate.
00:49Ayon kay Finansekretary Ralph Recto,
00:51kung tutuusin para rin naman sa pagpapalago ng ekonomiya at iba pang gastusin ang pangungutang.
00:57Yung inuutang natin, ginagastus natin sa domestic part,
01:02yun din sa mga karamihan ng mga infrastruktura natin.
01:05Talimbawa, tulay, kalsada, airport, seaport, irrigation, dyan na pupunta yung utang natin.
01:15Ganito na rin naman ang ginagawa ng mga privadong kumpanya
01:17kung gusto nitong lumaki ang kita na makalilikha ng dagdag trabaho.
01:22Sa ating bansa naman, ganun din yun.
01:25Can we borrow money to make the economy grow at a faster rate
01:30by giving jobs to people and reducing poverty?
01:34Bawat administrasyon may inuutang.
01:36Sa paglipas na mga taon, pataas yan ang pataas.
01:40Maliban lang sa administrasyon ng dating Pangulong Noy Noy Aquino
01:43nang bumaba ang inutang ng Pilipinas.
01:46Pero mula noon, tumaas na ulit.
01:48Nagsimula kasi tayo ng pandemic period.
01:52Sarado lahat, walang negosyo dahil nag-lockdown tayo.
01:56Kailangan ko magbigay ng tulong sa ating mga kababayan.
01:59So saan natin pwede kunin yun?
02:00Wala tayong revenues, wala tayong profit sa utang.
02:03Pero puna ng isang ekonomista ngayong tapos na ang pandemia.
02:07Hindi naman na tayo pandemic,
02:08pero we are still spending as if it were a pandemic.
02:13And much of it really, I'll have to be brutally frank about this.
02:16Yung tungkol sa ayuda na many would question really,
02:21is it really the best way to spend money?
02:25Ang increase nito ay napaka-minimal.
02:28Single digits.
02:30If you compare it to the previous, well,
02:33the previous administrations at least.
02:36Kaya ito lumaki ng ganito.
02:37Kasi ang utang compounded, di ba?
02:39Kahit ang mga mayayamang bansa nangungutang.
02:42Sa Southeast Asia, mas malalaki pa ang utang ng Singapore, Indonesia at Thailand kaysa sa Pilipinas.
02:49Yan ang katotohanan. Lahat yan may utang.
02:51Bukod kasi sa laki ng utang,
02:53ang mas dapat tinitignan ang kakayahan ng isang bansa na magbayad.
02:57Nasusukat yan ang debt-to-GDP ratio
02:59o ang halaga ng mga produkto at serbisyo sa isang bansa
03:03sa loob ng isang taon kapag ibinanga sa ibinabayad sa utang.
03:07Sabi ng mga eksperto,
03:09masasabi pa namang kayang magbayad ng isang bansa
03:11kung nasa bandang 60% yan.
03:14Sa Pilipinas,
03:15pinakamataas na simula noong 1987
03:18ang mahigit 71% na debt-to-GDP ratio noong 2004.
03:22Bago yan,
03:23tuloy-tuloy na ang bumaba sa halos 40% na lang
03:26noong 2019
03:27bago tumaas na naman.
03:30Ngayon nasa mahigit 62% na yan.
03:32Bahagi ng pambayad,
03:33syempre ang buwis na binayaran hindi lang ng mga may sahod,
03:37kundi sa marami nating binibili tulad ng VAT.
03:40May balak bang dagdagan yan?
03:42Wala naman,
03:43wala kaming balak na bagong buwis.
03:45Inaayos lang din natin yung patakbo ng ating ekonomiya.
03:49May mga konting pagbabago.
03:51Sa huli,
03:51bukod sa laki ng utang at kakayahang bayaran nito,
03:55dapat bing tignan
03:55ay kung may napupuntahan ba talaga ang inutang
03:58na mga Pilipino rin ang papasan.
04:00Para sa GMA Integrated News,
04:02Marisi Umali Nakatutok, 24 Horas.

Recommended