00:03ihahatid namin sa inyo ang mga programa at proyekto ng Clark Development Corporation
00:07para sa patuloy na pag-unlad ng Clark Freeport Zone.
00:12Sa gitna ng hamon ng panahon at kalamidad,
00:14patuloy ang pagkilos ng pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng bawat Pilipino.
00:20Kaya naghatid ng tulong ang Clark Development Corporation
00:23sa mga apektadong pamilya sa Metro Clark
00:26matapos ang pag-ulan, bunsod ng habagat at pananalasa ng mga bagyo.
00:31Kasama rin ang patuloy na advokasya ng CDC
00:34para sa isang malinis at luntiang kapaligiran sa Clark Freeport Zone.
00:41Panurin natin ang report ni Director Nicolette Henson
00:44mula sa Clark Development Corporation.
00:49Patuloy ang pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga mamamayan
00:54sa gitna ng kalamidad.
00:56Sa Clark Freeport Zone,
00:58naghatid ng tulong ang Clark Development Corporation
01:01sa mga apektadong pamilya sa Metro Clark
01:04matapos ang pag-ulan, bunsod ng habagat at pananalasa ng mga bagyo.
01:10Mahigit 800 na relief packs at 200 na sako ng bigas
01:14ang naipamahagi ng CDC sa mga komunidad sa Metro Clark.
01:18Bilang kinatawa ni CDC President and CEO Attorney Agnes VST De Vanadera,
01:23pinangunahan ni Vice President for Administration and Finance Jose Miguel De La Rosa
01:28ang aktibidad noong July 25.
01:31Kasama sa mga lugar na napigyan ng tulong ang Mabalakat City,
01:35kung saan 150 food packs ang ipinamigay sa mga evacuees mula sa barangay Tabun.
01:41Isa sa mga nakatanggap si Remelin Floralde na pansamantalang nanununuyan sa evacuation center
01:48kasama ang kanyang pamilya.
01:51Ganito naging pahayag ni Alejandro Eckart na isa rin sa mga evacuees.
01:56Ang malaking bagay ito sa amin kasi sa mga hirap kami sana ngayon sa hanap buhay.
02:04Wala kami ng ibang pinagkakitaan.
02:07Saka dagdag kasi sa isipin pag di rin makapokus sa ibang trabaho.
02:12Malaking bagay rin sa amin ng mga tulong na dumating pa.
02:15Bahagi ito ng mandato ng CDC na paigtingin ng inclusive at responsive governance
02:22sa mga lokal na pamayanang nakapalibot sa Clark.
02:25Bilang suporta sa adhikain ng Administrasyong Bagong Pilipinas,
02:31serbisyong mabilis, tapat at tunay na para sa tao.
02:35Samantala, tuloy-tuloy naman ang advokasiya ng CDC para sa isang mas malinis at luntiang kapaligiran sa Clark Freeport Zone.
03:01Kamakailan lang sinimulan ng CDC ang mas pinaiting na Solid Waste Management Program sa mga opisina at pampublikong pasilidad sa loob ng Clark,
03:11bilang bahagi ng Post-Environment Month Initiatives ng ahensya.
03:16Ang programang ito ay alinsunod sa isang CDC Memorandum Circular na inilabas noong August 2024,
03:23na naguutos ng mas sistematikong pamamahala ng basura sa loob ng Clark Freeport Zone.
03:28Makikita na ngayon sa mga tanggapan, parks at public areas gaya ng Clark Parade Grounds at Bicentennial Park,
03:37ang mga color-coded bins para sa maayos na segregation ng basura.
03:42Ang mga ito ay may kanya-kanyang gamit.
03:44Green para sa mga nabubulok gaya ng pagkain.
03:48Blue para sa mga recyclable gaya ng bote, plastic at lata.
03:53Black naman para sa mga residual waste o basurang hindi na mapakikinabangat.
03:59At grey para sa mga reusable materials o mga bagay na maaari pang i-repurpose gamit ang makabagong teknolohiya.
04:07Kasabay ng programang ito, inilunsad din ng CDC ang Bring Your Own Tumblr o BYOT campaign na naglalayong hikayati ng mga empleyado na iwasan ang paggamit ng single-use cups at plastic bottles sa opisina.
04:23I-nanunsyo din ang pamunuhan ng CDC na susundan pa ito ng mas malawak na programa,
04:31kabilang na ang pagtatayo ng mini-materials recovery facility at composting site sa loob ng CDC Echo Park.
04:38Makikipag-ugnayan din ang CDC sa mga partner recyclers at scrap buyers upang matiyak na ang mga nasegregate ng basura
04:45ay mapakikinabangan pa sa ligtas at makakalikasang paraan.
04:50Sa pamamagitan ng mga programang ito, nais ng CDC na may pabatid sa mga stakeholders ng Clark
04:57na ang pangangalaga sa kalikasan ay responsibilidad ng bawat isa.
05:02Isang hakbang tungo sa isang mas progresibo at mas malinis na bagong Pilipinas.
05:10Abangan ang iba pang mga magagandang balita dito sa Clark Freeport Zone.
05:14Ako po si Atty. Nicolette Henson para sa CDC sa Bagong Pilipinas ngayon.