Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang taga Kalasyao Pangasinan ang hindi pa rin makauwi kahit bumubuti na ang panahon.
00:05Imbes kasi na humupa, lalo pang tumataas ang baha sa kanilang lugar.
00:10Saksi, si CJ Torida ng GMA Regional TV.
00:16Ilang araw matapos manalasa ang mga bagyo at habagat,
00:20sa evacuation center pa rin sumisilong ngayon ang mayigit isang daang pamilya sa Kalasyao Pangasinan.
00:26Si Aling Merli di pa rin makauwi dahil sa lampastuod na baha sa bahay nila sa Barangay Poblasyon East.
00:32Hindi pa kasi hanggang kuwan patuod yung ano namin wala kaming maugigaan.
00:39Ayon sa Kalasyao MDRRMO, di pa rin pinapayagan ng LGU na bumalik sa kanilang bahay ang mga evacuee.
00:46May ilang lugar kasi na imbes humupa ang baha ay patuloy pang tumataas ang tubig kahit bumubuti na ang panahon.
00:52Ito po ay epekto na po nung advisory na ibinaba po sa atin na ang binggit po ay under yellow rainfall alert pa rin
01:01kung kaya't sila ay nakakaranas ng pabugso-bugso pa rin pagulan.
01:05At yung pong tubig ay inaasahan po natin na bababa po yun dito sa ating ilog sa Sinukalan Marusay River.
01:12Dahil dito, 18 barangay sa Kalasyao ang lubog pa rin sa baha.
01:16Habang lagpas pa rin sa critical level ang antas ng tubig sa Marusay Sinukalan River.
01:20Pero sa gitna ng pagsubok, binuksan ang isang kainan doon para mamigay ng libreng pagkain sa kanilang mga kababayan.
01:30Sa Dagupan City, baha pa rin sa ilang kalsada lalot patuloy na nararanasan ang pagkulan.
01:35Ang nakikita ko sir, parang kalaha, di ba ng 31 barangay, yun yung mga nasa manapit sa river system natin.
01:44Patuloy na namamahagi ang LGU ng food packs at mga gamot sa mga residente.
01:48Meron ding libreng sakay sa Mayombo-Karanglaan Road dahil di pa rin madaanan ng maliliit na sasakyan, bunsod ng baha.
01:56Sa inisyal na assessment ng Pangasinan PDRRMO, mayigit 448 million pesos na ang naitalang halaga ng danos sa agrikultura.
02:05At mayigit 3 million pesos ang danos sa livestock sa lalawigan.
02:10Ang pinsala naman sa imprestruktura na sa 481 million pesos.
02:14Patuloy rin ang restoration efforts sa mga lugar na wala pa rin supley ng kuryente at linya ng komunikasyon.
02:22Nagpo-formulate tayo ng recovery and rehabilitation plans.
02:27Ongkawing yung rapid damage assessment and risk analysis.
02:31Sa San Fernando City sa La Union, marami pa rin na sa evacuation centers.
02:36Nagatid ng tulong doon ang DSWD.
02:39Para sa GMA Integrated News, ako si CJ Torida ng GMA Regional TV.
02:46Ang inyong saksi!
02:48Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:51Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
02:55Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa GMA.
03:01Mag-subscribe sa GMA.
03:01Mag-subscribe sa GMA.
03:01Mag-subscribe sa GMA.

Recommended