00:00Handa ng sumabak ang isa sa mga pambatong Wushu artist ng bansa na si Agatha Wong sa magaganap ng 2025 World Games ngayong Agosto sa Chengdu, China.
00:11Para sa detalya, narito ang report ni teammate Paolo Salamatin.
00:17Experience! Ito ang sasandala ng 27-year-old veteran Wushu artist na si Agatha Wong sa kanyang unang sabak sa magaganap ng 2025 World Games
00:27mula August 7 hanggang 17 sa Chengdu, China.
00:31Kinikilala bilang isa sa mga tinitingalang atleta ng bansa pagdating sa Wushu kung saan nakalikom lang naman siya ng kabuang limang gintong medalya sa apat na magkakasunod na edisyon ng Southeast Asian Games.
00:44Kabilang pa dito ang pagsungkit ng dalawang silver medal sa World Championships noong 2015 at 2023 na isa sa mga nagpatibay ng kanyang kwalifikasyon para sa Chengdu World Games.
00:55May tuturing na makasaysayan ang pag-apak ni Wong sa World Games kasamang iba pa mga Pinoy Wushu artist na nakapagkwalifik ka rin sa nasabing kompetisyon na si na Carlos Bailon Jr.
01:06at Jones Llarbes Inso dahil ngayon lang muli magkakaroon ng Pilipinas na mga delegasyong sasabak sa Wushu events ng World Games simula pa noong 2009.
01:15Sa panayam ng PTV Sports, ibinahagi ni Wong ang kanyang pagkatuwa sa mga taong nasa likod ng kanyang mga naging tagumpay simula ng pumasok sa national team na isa sa mga naging susi ng kanyang pagbukas ng pinto papasok ng World Games.
01:31I think it always, you know, ends up with me saying that it's all about the experience.
01:39I don't think I would be here today if not for, you know, my own intuition and then my own perseverance and also the support of my federation.
01:48So, it's been a journey. Sobrang tagal na. Parang, I feel so old na nga eh. But, um, I'm still here. I think a lot of people expect me to retire. But, you know, since I still look kind of young, um, I'm still competing pa rin naman.
02:05Tunad namang ipinapakita niyang performance sa mga ilang major competitions nitong mga nakalipas na taon, iginit ni Wong na isa lang ang kanyang masisiguro sa kanyang pagsabak sa World Games ngayong taon.
02:17I really want people to know na I always try my best. Um, even if probably hindi siya makikita sa results in the future or any other competition na lumabas man dyan or sumabak man dyan or kung saan ako sumabak man.
02:33Um, I just always try to bring forth my best because this is the Philippines that we are representing. And I always try to remember that behind me is my federation and the Philippine Sports Commission and the Philippine Olympic Committee.
02:46So, I'm very, very grateful for their support.
02:49Sa ngayon, walang balak magpahinga si Wong kasama sina Inso at Bailon sa pag-e-ensayo upang masiguro ang magandang performance pagsapit ng mismong kumpetisyon.
02:59Paulo Salamatin, para sa atletang Pilipino, para sa Bagong Pilipinas.