Iniutos ng DepEd ang pagtatakda ng make-up classes bilang pambawi sa mga class suspension nitong mga nakaraang raw. Ang isang paaralan, dumiskarte para masunod 'yan nang hindi nagdadagdag ng oras kung weekday at kahit hindi magpapasok kung weekend.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Iniutos ng DepEd ang pagtatakda ng make-up classes bilang pambawi sa mga class suspension nitong mga nakarang araw.
00:08Ang isang paaralan, dumiskarte para masunod yan ng hindi nagdaragdag ng oras kung weekday at kahit hindi magpapasok kung weekend.
00:16Nakatutok si Ian Cruz.
00:17Bukol sa iniiwasang ma-estranded ang maraming estudyante sa gitna ng sunod-sunod na bagyo at matinding habagat nitong mga nakarang araw,
00:30magit apat na raang paaralan din ang ginamit na evacuation centers.
00:35Kaya halos isang linggong suspindido ang face-to-face classes ng mahigit 24,000 paaralan ayon sa Department of Education o DepEd.
00:44Para mahabol ang mga leksyon, magsasagawa ng make-up classes ang DepEd ngayong gumaganda na ang panahon.
00:52Pwedeng sa weekend o dagdag oras sa weekday.
00:55Kung hindi natin gawin yan, masyadong malaki yung mawawala sa ating mga kabataan.
00:59Ititingnan din natin yung schedule ng mga teachers dahil gusto natin nagpapahinga din yung ating mga teacher.
01:04Sa Quezon City High School, nagsimula na kanina ang make-up classes.
01:09Natatagal hanggang August 18.
01:10Pero hindi yan dagdag oras kung weekday at hindi pasok pag Sabado.
01:16Ang gagawin, dynamic learning program kung saan kada araw ay may pasasagotang learning activity sheet.
01:23Kapag din natapos, pwedeng sa bahay sagutan at kinabukasan tatalakayin.
01:28We see it as effective remediation activity for the students.
01:33It's also an independent.
01:37Kung magdadagdag ng araw, hindi naman po halos lahat po mapasok ang mga bata kung magme-make-up class ng isang araw pa.
01:46It's easier for us to catch up because we can bring these materials home and do them at home.
01:52Mas maganda po yun para po makapag-catch up kami sa mga lessons po na na-miss namin.
01:56Pero higit sa make-up classes, idiniinang Pangulo sa kanyang zona ang pangangailangang palawakin ang remedial class at tutorials sa gitna ng pagkahuli ng mga estudyanteng Pinoy sa buong mundo.
02:09Malinaw sa atin ang tumambad na realidad tungkol sa ating mga kabataan ngayon.
02:15Ang kakulangan sa kaalaman at sa kakayahan.
02:19Lalo na sa matematika, sa agham, sa pagbabasa at sa wastong pagunawa.
02:24Kanina, inilunsad ng DepEd ang Quality Basic Education Development Program o QBED 2025-2035 kung saan kailangan ding tumulong ang mga regional offices ng DepEd at mga lokal na pamahalaan.
02:40Hihinga ng tulong ang pribadong sektor para mapunan ng kakulangan sa classroom at magkaroon ng gadgets at internet access ang mga paaralan.
02:48Kaya nga may kumpiyansa si Pangulo Kahapod dahil mas malaki yung budgeting doon sa tulong ng pribadong sektor.
02:55Kaya sabi niya lahat ng guro natin magkakaroon ng laptop, makakatayo tayo ng 40,000 classrooms.
03:01Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok, 20, 4 oras.