Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Nakulangan ang ilang mambabatas sa mga nabanggit ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA kabilang ang kawalan ng tugon sa online gambling. Pero may mga natuwa naman sa plano niyang pagpapanagot kaugnay ng flood control projects.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakulangan ang ilang mababatas sa mga nabanggit ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang zona.
00:05Kabilang po ang kawalan ng tugon sa online gambling.
00:08Pero may mga natuwa naman sa plano niyang pagpapanagot kaugnay ng flood control projects.
00:14Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:17Sa may gitsang oras na talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos,
00:21sinintay umano ni Sen. Riza Untiveros na mabanggit ang plano ng administrasyon
00:26para maitaas ang sahod ng mga manggagawa,
00:28pero hindi ito nabanggit.
00:30Wala rin ano niya tungkol sa problema sa online gambling.
00:33Nagustuhan naman niya ang pagbanggit ng Pangulo sa pagpapanagot sa mga questionabling flood control projects
00:40at planong pagpapaganda sa servisyo ng tubig.
00:43Walang pagbanggit sa wage hike.
00:45Manipis na manipis itong zona tungkol sa ating mga manggagawa.
00:49Sinabi ni Presidente, accomplishment yung 20 pesos per kilo na bigas.
00:54Pero ilang economists na ang nagsasabi sa atin, hindi talaga sustainable yan.
01:01Okay rin, Ania, para kay ML Partylist Representative Laila de Lima
01:05ang matapang nababala kaugnay sa flood control projects.
01:09Pero kung katiwalian, Ania, ang pag-uusapan,
01:11tila may nalimutan daw banggitin ang Pangulo.
01:14YCC, yung pagpapanagot sa dating Pangulo at saka yung mga ibang matataas na opisyal,
01:20responsible for those thousands of deaths during the war on drugs,
01:24and then yung sa Confidential Intelligence Funds, yung sa Vice President.
01:29This is the time now for him na ipakita niya na maano rin pala siya, strong din pala siya.
01:37At bagamat tinalakay ng Pangulo ang pagpapabuti sa lagay ng edukasyon,
01:42nabitin si Akbayan Partylist Representative Chell Diokno.
01:46Kailangan kasi natin, mawala na tayo doon sa iba ba pagdating sa reading, math, science, and critical thinking.
01:52Wala akong narinig kanina na patungong solusyon doon.
01:57Malaking problem natin with out-of-school youth.
01:5925% ng youth natin ay out-of-school.
02:02Ang pagbibida ng Pangulo kognay sa mga benepisyon ng PhilHealth,
02:06hindi naman agad binili ng ibang mambabatas.
02:09Kailangan daw abangan kung matutupad ang mga ito.
02:13This is a reaction to all of those scandals.
02:16But the key is not only the talk today.
02:20Will the people under him actually carry it out at may tunay na reforma dito?
02:25So yun ang aabangan natin.
02:26Kung bibigyan ko ng credit ng Pangulo, ibibigyan ko incomplete.
02:30Bitin na bitin tayo.
02:32Kasi yung mga nabanggit na, ito yung mga regular functions ng gobyerno
02:34na dapat ginagawa day in, day out.
02:37Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended